PANIMULA

34 3 3
                                    

"Napakaganda ng munting prinsesa natin,mahal ko manang mana sayo."nakangiting ani ng Hari.

"Hahaha bolero." natatawang ani ng Reyna habang nilalaro ang mga daliri ng mahimbing na natutulog na sanggol na kakalabas lang sa sinapupunan ng ina.

"Hahahaha, di ako bolero mahal ko tunay na maganda ka kaya at maswerte ang anak natin na ikaw  ang kamukha nito." ani nito.

"Ako'y tila kinilig sa iyong sinabi." namumulang sabi ng Reyna,natawa naman ang hari sa itsura ng kanyang asawa.

"Mukhang namana nito ang mata ninyo mahal na hari." saad ng dama nang reyna,napangiti naman ang Hari.

"Tama ka nga Marta,pula din ang mata ng prinsesa natin mahal ko." sang -ayon g Reyna.

"Nagagalak ako at nakuha nya ang mata ko." tuwang tuwang sabi ng Hari.

"Pero mahal,natatakot ako para sa anak natin na pag baka nalaman ni Harold na naisilang na ang anak natin baka kunin ito - - - " naputol ito nang may isang kawal ang nagmamadaling tumakbo papunta sa kanila.

"M-mahal na Hari,papunta na daw ang Haring Harold ng Flameian at ang mga kawal nito!"ani ng kawal.Napatayo ng di oras ang Hari at mahigpit namang niyakap ng Reyna ang anak.

"E-eto na nga ba ang kinakatakutan ko,mukhang nalaman na ni Harold mahal ko. Anong gagawin natin?!" nag-aalalang ani ng reyna sa hari habang yakap yakap ang sanggol.

"Hulio!Hulio!"tawag ng hari sa pinuno ng mga kawal nya."Tipunin ang lahat ng kawal,salubungin ang mga kawal ni Harold. Gawin nyo ang lahat para hindi makapasok ang mga yan sa palasyo!"utos ng hari.

"Masusunod kamahalan!"sagot ni Hulio matapos yumuko dito ay agad itong kumilos at tinipon ang mga kawal.

"Mahal...a-ano ng gagawin natin?p-paano na si Synticia?m-mahal ayokong makuha satin ang anak natin!"tumatangis na sambit ng reyna sa asawa. Nilapitan naman ng hari ang mag-ina at kinarga ang anak.

"Emmelia!Gregorio!"tawag ng hari sa dalawa nyang tapat na tauhan. Agad naman itong lumapit sa hari at nagbigay galang.

"Gusto kong dalhin nyo ang prinsesa sa kabilang mundo."sambit ng hari tsaka ibinigay sa babaeng dama ang sanggol at ibinigay naman sa lalaki ang isang medalyon.

"M-mahal ko!a-anong dadalhin sa k-kabilang mundo,hindi maaari!ayokong mawalay ang anak ko sa piling ko!"sambit ng mahal na reyna at inagaw sa babaeng dama ang anak.
Nilapitan sya ng asawa at hinawakan sa magkabilang balikat at pinakatitigan ito.

"Mahal,makinig ka sakin."malumanay na sabi ng hari sa asawa."Pareho tayong ayaw na mawala sa atin si Synticia at eto nalang ang naiisip kong paraan para mapangalagaan si Synticia laban kay Harold---"

"Pero...maaari naman natin syang ipalayo pero nandito parin sa kaharian natin,hindi sa kabilang mundo----"

"Nasisiguro kong kahit ipalayo natin sya basta ay narito sya sa kaharian natin ay matutunton at matutunton parin sya ni Harold."sagot ng hari. Hindi naman nakaimik ang reyna at tahimik nalang na umiyak habang nakatingin sa karga karga nyang anak.

Paulit ulit nya itong hinalikan na para bang eto na ang huling beses na makikita nya ang prinsesa.

"Para ito kay Synticia,mahal ko. Para ito sa anak natin. Balang araw ay babalik sya sa kaharian natin,makakasama din natin sya pero sa ngayon kailangan nating magtiis para sa ikabubuti nya." dagdag ng hari,tumango tango naman ang reyna habang patuloy padin ang pag-agos ng luha. Tila ba naiintindihan nya na kung bakit kailangan mawalay ang anak sa piling nya.

The Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon