KABANATA 6

11 2 0
                                    

Happy reading! (^v^)

______

KABANATA 6

Third Person

"Kamusta ang pinagagawa ko sa iyo? Napatay mo na ba ang prinsesa?" tila nasasabik na tanong ng aking ama.

"Sa ngayon,hindi pa." sagot ko na nagpabago sa kaninang masaya nyang reaksyon.

Hindi naman ako natinag ng basagin nya ang babasaging baso na hawak nya at bigla bigla nalang syang sumulpot sa harap ko na may galit na mukha na syang kinatatakutan ng lahat maliban sa akin.

"Kung gano'n anong ginagawa mo dito?! Ang sabi ko wag na wag kang babalik hangga't hindi mo sya napapatay!" galit na ngang sambit nya.

"Sabi ko naman kasi sayo, Ama. Ako na ang papuntahin mo sa mundo ng mga tao ng mapatay ko agad-----"

"Tumahimik ka!" suway ng aking ama sa nakatatanda kong kapatid na babae na bigla bigla nalang sumabat sa usapan namin.

"Hindi gano'n kadaling mapatay ang nawawalang prinsesa lalo na't kasa-kasama nya rin ang mga anak ng tatlong kaharian." sagot ko.

"Mga anak ng tatlong kaharian?" kunot noong tanong ni Ama.

"Oo, Ama. Tila ipinadala rin sila sa mundo ng mga tao para proteksyonan ang prinsesa laban sa atin." sagot ko.

Nagliliyab naman sa galit si ama ng umupo sya sa kanyang trono.

"Talagang kinakalaban ako ng mga kahariang yan." galit na sambit nya.

"Dahil kalaban ka naman talaga ama----"

"Ang sabi ko tumahimik ka!" suway na naman ni ama sa nakatatanda kong kapatid. Mabuti nalang ay nailagan nya ang apoy na galing sa kapangyarihan ni ama.

"Bakit ba kasi ayaw nyo'ng ako nalang ang pumatay sa prinsesa?!" galit naring tanong ng aking kapatid.

"Gusto mong malaman kung bakit?" tanong ni ama.

"Oo! Sabihin nyo sa akin kung bakit imbis na ako ay si Herence ang ipinadala ninyo----"

"Dahil mahina ka." putol ni ama sa kanya na syang ikinatahimik nya.

"Mahina ka at hindi mo kakayaning patayin ang prinsesa dahil mahina ka." dagdag pa ni ama. Nanatili namang nakatingin ang kapatid ko kay ama habang may mga butil ng luha ang tumatakas sa pula nyang mata.

"Nagmana ka sa mahina mong Ina."pagdiin pa ni Ama. Natatawa namang yumuko ang kapatid ko habang patuloy na lumuluha.

"Hariet..." sambit ko at akmang hahawakan sya ng sya mismo ang lumayo at tumakbo papaalis ng palasyo. Napapailing naman si ama sa kahinaang ipinakita na naman sa kanya ng panganay na anak.

"Kung gano'n ano ang iyong plano?" baling sa akin ni Ama tila may tiwala sa kung ano mang plano ang naiisip ko.

"Nais ko sanang makipag- mabutihang loob muna sa nawawalang prinsesa pati narin sa dalawang prinsesa at isang prinsipe galing sa tatlong kaharian ng sa gano'n ay walang kahirap hirap akong makalalapit sa prinsesa at malaman ko na rin ang bawat galaw nila." paghahayag ko ng aking plano.

"Hmm, naiintindihan ko na ngayon kung bakit pinabalik mo ang isa sa mga tauhan ko." napangisi ako sa sinabi nya. Talagang isa yon sa parte ng mga plano ko.

"At kapag nakuha mo na ang loob nila?" nakangiting tanong nya tila sa tanong nyang yun ay maririnig nya ang pinakahihintay nyang sagot.

"Papatayin ko na ang prinsesa." nakangising sagot ko.

Mala demonyo naman syang tumawa tila nasiyahan nga sa naging sagot ko. Wala pa mang hudyat nya ay naglakad na ako palabas ng palasyo.

Sa ngayon, kailangan ko ng bumalik sa mundo ng mga tao bago pa ako mahuli sa kaarawan ng prinsesa.

____☆☆☆____

Your votes and comments are higly appreciated!

Thank you for reading mga bebs! ♡

The Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon