KABANATA 7

18 2 1
                                    

Happy reading!

_______
KABANATA 7

Maya Aguncillo.

Matapos ko'ng magising kanina ay dere-deretso akong lumabas ng bahay. Ni hindi pinansin ang mga ngiti nila at pagbati pero pagkalabas ko ay papasok nalang sana ako sa pag-aakalang nagbago ang anyo ko ngunit natigil rin ng mapansing walang pinagbago ang itsura ko.

Di gaya ng mga nakaraang kaarawan ko na humahaba at nagku-kulay pula ang mga kuko ko, pati narin ang buhok ko ay biglang humahaba at nag ku-kulay nyebe na may halong pula na tila apoy, may kung ano ring mga guhit na tila desenyo sa mukha ko.

Nangunot na naman ang noo ko tila naguguluhan na naman sa mga nangyayari sa akin sa mga nagdaang araw.

Lately ay napansin kong tila may mga nakakalimutan akong mga pangyayari pero hindi ko naman alam kung ano ang mga ito. Pero dahil maganda naman ang mga nangyayari sakin nung mga nakaraang araw ay hindi ko na lamang pinansin ito.

Pero sa pagkakataong ito....hindi ko pa rin ba papansinin?

Parang kanina lang ay nasa University ako kasama sina Beth,Ria at Lucas. Niyakap pa nga ako ng Eagle Troup at nakipag kaibigan pa sila, may isang misteryoso ding lalaki ang bigla nalang sumabat sa usapan namin nina Lucas tapos ay nagkaroon ng sunog sa dalawang building at may nakakatakot na nilalang akong nakita na muntikan narin akong mapatay, pagkatapos ay yung misteryosong lalaki ay niligtas ako at inutusan ang nilalang na yun na bumalik sa kaharian nila....

Tama....kaharian...

Napapikit ako ng mariin ng biglang sumakit na naman ang sentido ko. Muntik pa akong mawalan ng balanse ng biglang may umagapay sa likod ko.

Nagugulat ko itong lingunin ng makitang ang babaeng nakita ko sa panaginip ko ang sya'ng umagapay sa likod ko. Nakangiti nya akong inalalayan maglakad sa kung saan, ang mga paa ko naman ay tila may sariling buhay st sumunod sa gustong puntahan ng babaeng ito.

Napatingin ako sa kabuuan nya. Mahabang puting buhok na may pagka-asul, ang balat ay kasing puti rin ng nyebe, ang mukha nya ay may mga guhit na tila desenyo na sya namang ikinaganda lalo ng itsura nya, nakasuot din ito ng kakaibang kasuotan, napakaganda nya at hindi ko man sya kilala ay tila alam ko ng....napakabuti nya.

Ang anyo nya ay tila isang mabuting reyna sa isang kaharian. Habang nakatitig ako sa kanya ay hindi ko namalayang nangingilid na ang mga luha ko. Naluluha man ay nakangiti pa rin nya itong pinunasan.

"Ang laki mo na...at napaka ganda pa," nakangiting ani nya habang naka-hawak sa pisngi ko. "Natutuwa ako at pinalaki ka nilang mabuti at mapagmahal na bata." dagdag pa nya.

"Sino po kayo?" tanong ko kahit punong puno na ng emosyonal ang loob ko na hindi ko naman alam kung bakit.

Imbis na sagutin ang tanong ko ay nginitian nya lamang ako na punong puno rin ng emosyonal dahil maging sya ay umaagos din ang mga luha galing sa asul nyang mata.

"Lagi mong pagkata-tandaan na mahal...na mahal ka ng iyong ama at ina."emosyonal nyang ani.

"Opo, alam ko yo'n." sagot ko dahil lagi ring sinasabi sakin yun nina mama at papa, at pinaparamdam rin naman nila sakin yun.

Pero sa pagkakataong 'to bakit tila gusto kong maiyak sa sobrang tuwa dahil para bang unang beses ko itong narinig galing sa aking magulang kahit isa lang naman syang estranghero.

Hinaplos nya ng marahan ang buhok ko. "Sa tingin ko ay hindi pa ito ang tamang panahon para malaman mo ang tunay na ikaw dahil marami rami ka pang pagsubok at panganib na tatahakin sa mundong ito at sa tunay mong mundo." sambit nya.

The Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon