KABANATA 5

18 4 2
                                    

A/N;
Yay,sorry for the slow update and thank you sa paghihintay! (Kung meron man hehe.)

Happy reading!

________

KABANATA 5

Maya Aguncillo.

"Tabi tabi!" nagtataka ko namang tiningnan si Lucas habang naglalakad ako papasok. Lahat ba naman kasi ng estudyanteng maaaring hunarang sa draanan ko ay pinatatabi nya.

"Oops!" tigil nya sakin tsaka sinipa ang isang maliit na bato sa harapan ko.

"Daan na." nakangiting sabi nya tsaka iminuwestra pa ang daanan. Napasapo ako sa noo ko dahil sa mga pinaggaga-gawa nya tsaka nagpatuloy nalang sa paglalakad.

Bakit ba nya yan ginagawa?

"Oh anong binubulong bulong nyo dyan ha?!" biglang sigang tanong nya sa isang grupo ng mga lalaki at babae, sa pagkakaalam ko isa ito sa mga sikat na magkakaibigan sa University namin.

"Lucas, tumigil ka nga!" saway ko dito. Pero hindi ito nagpapigil at nilapitan pa ang grupong 'to.

"Maya!" napalingon nama ako kayna Ria at Beth ng tawagin ako ng mga 'to.

Dahil sa ginawa nila sakin nung nakaraang linggo ay naging malapit narin ang loob ko sa kanila. Sa katunayan nga ay lagi na kaming magkakasamang apat tuwing papasok at breaktime. Di ko naman mapigiling matuwa dahil sa wakas may maitatawag na akong mga sarili kong kaibigan.

"Anong ginagawa nyan?" tanong ni Ria ng makalapit,tinutukoy si Lucas na seryosong kinakausap na ang grupo ng mga lalaki at babae na ngbubulungan kanina tungkol sakin.

"Sa totoo lang mas weird pa sya sakin." sagot ko. Nagulat naman ako ng biglang lumapit sakin ang grupo na kaninang kinakausap ni Lucas.

Agad akong nagtago sa likod nina Beth at Ria. Ang kaninang inaakala kong babatuhin na naman nila ako ng kung ano ano at pagsasalitaan ng masasamang salita ay isang maling akala lang pala dahil sa halip ay nginitian ako ng mga 'to.

"Sorry Maya!" sabay sabay nilang paghingi ng tawad na ikinagulat ko.

"H-ha?" gulat kong tanong sa mga 'to.

"Alam naming napakasama namin sayo noon at ang dami rin naming ginawa sayo na ikina-pahiya mo pero sana mapatawad mo pa rin kami!" sambit ng lalaking my tattoo sa leeg. Sya yung bumabato sakin ng isang tray ng itlog tuwing easter egg.

"Sorry talaga Maya,sorry! Kung gusto mo ay itreat ka namin araw araw ng lunch mapatawad mo lang kami." sambit naman nung isang babaeng may maraming makukulay na hairclip sa buhok. Sya yung laging nagkakalat ng mga picture ko at ginagawang memes sa social media.

"I-i treat ng l-lunch?" nagugulat parin na tanong ko.

"Kung hindi parin sapat yo'n kung gusto mo...pahiyain mo rin kami tulad ng pagpapahiya namin sayo lgi!"dagdag pa nya.

"T-teka...naririnig nyo ba ang mga sinasabi nyo o pina-prank nyo lang na naman ako?" tanong ko dahil madalas ang grupo na 'to na iprank ako noon.

The Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon