KABANATA 3

20 3 0
                                    

Maya Aguncillo.

Breaktime namin ngayon at narito ako sa library,tahimik na nagbabasa. Tinataguan ko parin kasi sina Cintia matapos ng nangyari kahapon na habulan,mabuti nalang talaga at nakatakas ulit ako sa kanila at nakauwi na walang galos.

Kaya naman kahit kumukulo na ang sikmura ko tiniis ko na hindi kumain sa canteen at magtago nalang dito sa library.

"Synticia..."

Nangunot ang noo ko at tumaas ang mga balahibo ko ng marinig ang pangalang yun. Naramdaman ko agad ang lamig ng hangin kahit na kulob ang library namin.

"Synticia...."ayun na naman,tila ba binubulong sakin ito ng hangin.

"Synticia....Synticia...."paulit-ulit na sambit nito. Napatakip ako sa magkabilang tenga ko. Sa sobrang lakas ng hangin pati ang buhok ko ay inililipad nito pataas.

"Synticia..."bulong na naman nito.

"S-sino ka..."natatakot na sambit ko.

"Maya!"napalingon agad ako sa tumawag sakin. Nagulat ako ng yakapin ako nito na para bang pinoprotektahan ako nito.

Bigla ding tumigil ang malakas na hangin pati narin ang bumubulong sakin. Ang kaninang takot ko ay nawala dahil pakiramdam ko....

"Ayos ka lang?"nag-aalalang tanong ni Lucas na tumitingin tingin pa sa paligid na para bang nasa paligid lang ang kalaban nya. Nanatili naman akong nakatitig sa kanya.

"Tinatanong kita,ayos ka lang ba?!"para bang nagpapanic pa na sambit nito habang yakap yakap pa din ako. Napakagat ako sa labi ko.

Ng dahil sa yakap nya....pakiramdam ko,ligtas ako.

"O-oo...o-kay lang ako."sagot ko,nakita ko naman ang paghinga nya ng maluwag. Nanghinayang ako ng ialis nya na ang yakap sakin at umayos na ng upo sa tabi ko.

"Mabuti naman."sambit nya,kinuha naman nya ang librong binabasa ko tas sya naman ang nagbasa nun.

"T-teka binabasa ko kasi yan,kumuha ka na lang ng libro."sagot ko tsaka kinuha sa kanya ang librong yun at nagkunwaring binabasa na yun,nagulat naman ako ng higitin ako nito papalapit sa kanya at inakbayan ako pagkatapos ay inabot ang librong yun.

"Edi pareho nating basahin,problema ba yun?gusto ko rin to eh."nakangusong sambit nya habang nasa libro na ang paningin,para bang wala lang sa kanya ang posisyon namin samantalang ako dito parang kamatis na ang mukha sa sobrang pula at halos rinig na rinig ko narin ang tibok ng puso ko sa sobrang lakas.

"Teka...may naririnig ka ba?"tanong nito tsaka nilingon ako,napalayo tuloy ako pero hindi rin ganon kasinglayo dahil naka-akbay sya sakin kaya ganun parin ang lapit ng mukha namin.

"N-ng alin?"kinakabahang tanong ko.

"Tambol...parang tambol ang naririnig ko,may nagpaparada kaya sa labas?"nagtatakang tanong nya,napatikom naman ako ng bibig ko.

Hindi kaya....tibok ng puso ko ang naririnig nya?

Agad ko syang tinulak palayo dahilan mawala ang akbay nya sakin at matumba sya sa kinauupuan nya.

"A-ano ba..b-bat ka kasi----aish!"sagot ko tsaka kinuha ang gamit ko at umalis nalang doon.

"Teka Maya,sandali lang!"rinig kong tawag pa nito sakin,napagalitan tuloy sya ng librarian. Mas binilisan ko naman ang paglalakad.

Ano ka ba naman Maya bakit ba naman kasi ganun nalang nararamdaman mo parang kahapon lang pinagdududahan mo pa sya tapos ngayon...ngayon...TUMITIBOK NA NG MABILIS ANG PUSO MO?!lakas mo din maka-bipolar ah!

Nabatukan ko tuloy ang sarili ko pero ganun nalang ang gulat ko ng may tubig na matapon sa damit ko sa may bandang dibdib ko.

"H-hala sorry!"sambit ng isang babaeng maikli ang buhok,medyo kayumanggi ang balat,may salamin itong suot suot at mukhang....nerd din  sya gaya ko dahil marami din sa paligid namin ang nagbubulong-bulungan sa kanya.

Napabuntong hininga ako tsaka ngumiti sa kanya."Okay lang."sagot ko tsaka tinakpan nalang ng panyo ang damit na nabasa sa bandang dibdib ko.

Umiling iling naman sya tsaka hinawakan ang braso ko."T-tara pahihiramin kita ng extra uniform ko,hindi pwedeng pumasok ka ng ganyan...."sagot nya tsaka lumapit sakin at bumulong."kahit maliit,halata parin ang dibdib mo."dagdag nya,napakurap kurap naman ako sa sinabi nya.

Dapat ba akong matuwa dahil may care sya sakin?o mainsulto dahil sinabihan nyang maliit ang dibdib ko?ayos din to ah.

Hinayaan ko naman syang hilain ako papuntang locker nya dahil tama naman sya,baka mabastos pa ako. Masyadong maloloko pa naman ang mga classmate kong boys lalo na pagdating sa akin.

"Oh ayan."sagot nya tsaka inabot sakin ang extra uniform nya."Sa tingin ko naman kasya yan sayo,mukhang magkaparehas lang kasi ang katawan natin."ngiting dagdag nya dahilan para lumitaw ang malalim nyang dimple sa kanang pisnge nya.

"Salamat."ngiting sagot ko tsaka pumasok sa CR.

"Hintayin kita sa labas."rinig ko pang sagot nya. Pumasok naman na ako sa isang cubicle at nagbihis doon. Pero habang nagbibihis ako may kung anong nararamdaman ako na nasa taas ko,matalas talaga kasi ang pakiramdam ko.

"Kainis,hindi parin perfect!"dinig kong inis na sambit ng isang babae sa labas ng cubicle na pinasukan ko. Dahan dahan naman akong napatingin sa taas ko at ganun nalang ang paglaki ng mata ko ng makitang may malaking bula ng tubig ang nasa itaas ng ulo ko.

"Aaaaahhhh!!!!"tili ko habang nakatingin parin sa malaking bula ng tubig na nasa itaas ko. Agad namang nagbukas ang pinto ng cubicle ko.

"Anong----aaaaahhhhh!"tili din nya ng makita ako sa loob ng cubicle,napaawang naman ang bibig ko sa sobrang gulat ng bigla nalang nasira ang pagkabilog ng tubig at tuluyang nahulog ito sakin dahilan para mabasa ako.

"Bakit Maya anong nangyari----" gulat din na napatingin sakin ang nerd na kasama ko na nagpahiram ng uniform sakin.

"B-beth..."gulat na sambit nung babae habang nakatingin sa nerd. Napaatras naman sa gulat ang kasama kong nerd habang nakatingin din sa babae.

"R-ria?anong ginagawa mo dito?"gulat na tanong nya,samantalang ako ay nakaawang padin ang bibig sa sobrang gulat.

So lahat kami gulat na gulat!pero---
Totoo ba ang nakita ko kanina?napakalaki ng bula ng tubig na yun,hindi kaya ang babaeng ito ang may gawa nun?may super powers din sya tulad ko?!

"Maya!"lahat kami napatingin kay Lucas na hingal na hingal na binuksan ang pinto ng CR. Pero ganun nalang din ang paglaki ng mata nya ng makita ang dalawang babaeng kasama ko.

"Lucas?!"sabay na sambit ng dalawang babae samantalang ako ay naguguluhan na nakatingin sa kanilang tatlo at tsaka anong ginagawa ni Lucas dito gayong Cr to ng girls?!

Sa sobrang pagkagulat at pagkalitong lito ay naramdaman ko ang pag-ikot ng paningin ko.

"Kamahalan!"dinig kong sabay sabay na sambit nilang tatlo tsaka nagmadaling lumapit sa akin para alalayan ako pero huli na dahil tuluyan na akong bumagsak at nawalan ng malay.




The Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon