KABANATA 8

15 2 0
                                    

Happy reading!

_______
KABANATA 8

Maya Aguncillo

Isang linggo na ang lumipas matapos ang birthday ko. Naging normal naman ang araw ko sa isang linggo na yun. Nakapag tataka nga dahil hindi ako nakatanggap ng mga pang bubully na madalas gawin sakin ng mga ka-schoolmates ko, wala narin akong nakikita sa feed ko sa facebook na mga memes ko and story about me, kahit ang mga kaklase ko hindi ako inaasar o kinukutya ni hindi nga nila ako napapansin sa isang linggo na yun.

As in wala talagang nangyaring pambubully sakin sa isang linggo na yun! At hindi ko alam kung dapat ko ba itong ipagtaka o ikasaya dahil sobrang....sobrang di talaga ako makapaniwala na darating ang araw na hindi ako makakaranas ng pambubully sa eskwelahan na 'to.

Pakiramdam ko ay hulog ng langit ang pagdating nina Ria,Beth at Lucas sa buhay ko dahil simula ng dumating sila biglang naging maganda ang daloy ng buhay ko. Kung baliw lang ako ay baka inisip ko na mayroon silang ginawang mga mahika sa mga taong narito sa eskwelahan o di kaya mga anghel sila na pinababa ng Diyos upang tulungan ako.

Yung tungkol naman sa nangyaring sunog sa eskwelahan namin ay patuloy na ini-imbestigahan ng mga pulis dahil hanggang ngayon ay hindi alam kung saan nanggaling ang sunog. Yung teacher na nakakuha ng video nag-resign sa school namin dahil walang naniniwala sa kanya at ang tingin na ng lahat sa kanya dito ay baliw kaya naman nag-resign sya pero kung ako ang tatanungin ay naniniwala ako sa kanya, totoo ang nakuhanan at nakita nya dahil ako mismo nakita ang nilalang na gumawa ng apoy at muntik pa akong patayin. Pero kahit na ganun ay   na-solosyunan naman agad ang tungkol sa mga nasunog na buildings. May ginagawa na agad na panibagong building kapalit ng dalawang building na nasira ng apoy at habang ginagawa yon nagkaroon tuloy ng pagbabago sa mga schedule ng pasok namin, naging half day tuloy ang mga pasok namin.

Yung iba ay natuwa dahil hindi na whole day ang pasok samantalang yung iba nalungkot at isa ako sa mga yun dahil sa half day na nangyari laging napuputol ang pag discuss ng mga lesson sa subjects namin kaya naman kapag may exam ay pahirapan dahil hindi naman natatapos lagi ng mga prof ang lesson nila, hindi rin naman pwedeng ituloy ng mga prof ang lesson bago mag exam dahil kapag araw ng exam,exam talaga ang gagawin bawal ang lesson.

Napakagat tuloy ako sa kuko ko habang tintingnan isa isa ang mga score ng test paper ko na hawak ko. Habang tinitingnan ang mga score nito ay napapailing ako, hindi ko maiwasang ma stress dahil ibang iba yon sa mga nakukuha kong matataas na score noon! Nag-aalala tuloy ako kung makaka-affect ba ito sa scholarship ko sa school.

"Hindi na masama." Napatingin naman ako kay Beth na kakaupo lang sa tabi ko at kinuha ang mga test paper ko at isa isa tiningnan. Sumunod nun ay si Ria na umupo naman sa kabilang gilid ko at si Lucas na umupo sa tapat ko.

Nandito kami ngayon sa isang kubo na nasa tapat lang ng canteen namin,dito madalas tumambay ang mga students kapag breaktime.

"Ang baba ng mga nakuha ko.." Nanlulumong sambit ko tsaka inuntog ng paulit ulit ang noo ko sa kawayan table na nasa harap namin.

Natigil naman ako sa pag untog untog ng saluhin ng kamay ni Lucas ang noo ko na iuuntog ko ulit sana sa mesa.

"Wag mong iuntog baka sumakit na naman ulo mo." Sambit nya. Napanguso naman ako tsaka sumandal nalang habang namomroblema parin sa mga score na nakuha ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 01, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon