Note:
Please be online in reading this chapter and only play the video when I say so.
Thank you!
FRIDAY'S P.O.V.
"Whaaaaaaaahhh!!" mga reaction nila Joanne at ng iba pa naming mga kasama nung makita nila ang bahay ng Auntie ko.Ito kasing si Joanne hindi na nahiya. Nagsuggest ba naman na dito nalang kami sa bahay ni Auntie magpapraktis! Pero ng hindi inaasahan, pumayag lang ang Auntie ko! Basta't sa garden lang daw kami tatambay.
"Uy! Tandaan niyo ha! Sa garden lang dapat tayo, okay? Kapag may kailangan kayo, sabihin niyo lang sa akin. Okay?" bilin ko sa kanila.
"OKAY!" response nila. Halatang excited ang mga kolokoy hahahaXD.
Pumwesto na kami sa garden tapos kinuha na ang mga notes. Mga musical notes namin, hindi yung notes para sa mga academic subjects. Baka naconfuse kayo eh.
"So, ano ba talaga ang assignment? Sinabi niyo lang kasi na by partner. Hindi niyo naman sinabi kung ano talaga ang assignment." sabi ko.
"Ay oo nga pala! Yung assignment is pumili tayo ng kanta na ipeperform tapos dapat may... anong tawag dun ah! CHEMISTRY!! Dapat may chemistry kayo sa isa't-isa ng kapartner mo." mahabang litanya ni Joanne.
"That means na hindi lang ordinary na duet. Dapat may feeling." dagdag ni Marie.
Napatango nalang ako. Hindi lang pala ako, pati yung ibang kasama ko napatango rin. Wala eh. Na explain nila ng maayos. Para ngang humugot si Marie nung 'Dapat may feeling' na part.
"So... ano? Start na tayo?" sabi ni Kuya Vince. Nagkatinginan kaming lahat at sabay-sabay na sumigaw.
"GAME!"
*****
Makalipas ng dalawang oras ay kanya-kanya kaming nagmemorize sa mga napiling kanta namin. Ang iba nga ay nagpapahinga na muna dahil ang kantang napili ay biritan. Ako? Simple lang yung kantang napili namin ni Clint. Medyo may birit, pero kaya naman.Friday and Clint:
You are the best thing about this place.
"Ano nga uli yung blockings natin sa part na to?" tanong ko.
"Ito. Dapat ganito yung gap natin. Gagawa ako ng pintuan bilang props natin." pag eexplain ni Clint sa akin. Mukhang mas kabisado pa niya ang kantang to kaysa sakin ah.
Madami pa siyang sinabi regarding sa mga props kaya nakinig nalang ako at tumango-tango. Seryoso. Pagdating sa mga props, specialty ni Clint yan!
"Ate!" mahinang tawag ni Debbie sa akin tapos lumapit na.
"Pwede bang water break muna tayo?" bulong ni Debbie sa akin.
"Oo naman syempre. Guys! Water break muna tayo!" sigaw ko. Nag nod naman sila. Ang iba nga ay nagthumbs up pa.
Sinabi ko sa kanila na doon lang sila sa garden habang kinukuha ko ang mga tubig sa ref ni Auntie. Gagawan ko nalang din sila ng sandwiches. May binilin naman si Auntie dito na mga sliced breads.
"What are you doing?"
"AY TUKONG LECHON!!" shemays! Alam ko kung kaninong boses yun eh! Napatalon pa talaga ako!
BINABASA MO ANG
I Don't Speak Bisaya[On-Going]
FanfictionA story about a Korean actor and a dalagang Pilipina cross paths with each other. Madalas nagkakagalitan at hindi alam kung kailan magbabati ang dalawa. Pero isa lang ang tiyak, galing sila sa magkalayong bansa. WARNING: For the readers who UNDER...