CHAPTER NINE

41 3 2
                                    

Notes:
Sorry for the very late update. So many things had just happened to my life and also busy because of our school activities. Not to mention my laziness as well. But I hope you are still following the events that happened in this story.
Thank you!


FRIDAY'S P.O.V.
Dahan-dahan akong lumingon at...

"...Ate?" nakita ko ang Ate ko na nakatingin sa akin. The question is bakit siya nandito?

"Can you excuse Friday for a moment? I need to talk to my sister." hindi pa nakasagot sila Joanne at Marie ay hinila na ako ng Ate ko palayo sa kanila kaya nagsignal nalang ako sa kanila na magpatuloy sa ginagawa nila.

Nang makalayo na kami ay nag face to face kami ng Ate ko.

"May problema po ba?" tanong ko pero alam niyo ba kung anong ginawa niya? Gidukol ko niya uy!

"ARAY!!" sigaw ko habang hinihimas ang ulo ko. What's worse pa ay mas malakas pa yun kumpara kay Marie. Leche ang sakit!!

"Jusmiyo ka! Bumisita ka naman paminsan sa bahay natin! Miss ka na ni Andrea alam mo ba yun?" napatingin naman ako sa kanya sabay sabing..

"Weh? Seryoso? Akala ko ba gusto nun ay mamatay ako?" akma na naman akong babatukan ng Ate ko.

"O teka teka! Eto naman oh di mabiro! O sige bibisita ako sa bahay natin bukas." sabi ko

"Ngayon na! Pagkatapos ng school mo." pagtutol ng Ate ko.

"WAAAHH?! Eh wala akong gamit na dala ngayon?!" reklamo ko.

"Hoy sira ulo! May gamit ka parin dun sa bahay kaya yun nalang gamitin mo, okay? Susunduin kita mamaya." after nun ay tumalikod na siya at naglakad palayo.

"Ay wow! Di man lang ako pinasagot! Kainis naman o!" ginulo ko buhok ko.


*****

After class...

At hindi nga siya nagjojoke. Naghintay talaga siya sa tapat ng school gate namin. Nakasandal pa siya sa motor niya! To be honest, ang astig tignan ng Ate ko lalo na sa kanyang kasuotan. Pero hindi talaga mawawala sa amin ang expression ng mata namin. Ang fierce ng mga mata ni Ate.

'Kaya ayaw ko siyang suwayin dahil takot ako hehehe..' umiling ako at lumapit na kay Ate.

"Tagal mo." sabi niya. I didn't mind nalang at kinuha yung helmet at isinuot na. Sumakay ako pina-princess style kasi nakapalda si manang myghads!

"Friday! Di ka uuwi dun sa bahay ng Auntie mo?" tanong Joanne papalabas ng school. Kasama niya si Marie.

"Dun na muna ako sa bahay namin!" sigaw ko dahil sa ingay ng motor ni ate. Mukhang naintindihan naman ni Joanne ang sinabi ko kasi napatango siya. Kumaway ako sa kanila at kumapit na ako sa baywang ni ate.

"Kumapit ka ng mabuti. Baka mahulog ka diyan." paalala niya.

"Talagang kakapit ako! Dahil wala namang sasalo sa akin pagnahulog ako!" at pumunta na kami sa bahay namin. Awiiee namiss daw ako ni Andrea wahahahaha! Tignan nga natin.


JOANNE'S P.O.V

"Bei! Punta muna tayo sa bookstore dali!" nagyaya si Marie kaya pumayag ako. Tutal nasa mood din ako na tumingin ng mga libro. Baka sakaling may magustuhan ako malay natin.

"Yes!! Tapos na rin!" teka, mukhang pamilyar ang boses na yun ah?

"Saan ka pupunta kuya?" lumingon ako para tignan kung sino ang nagsasalita at hindi nga ako nagkamali sa inaakala.

I Don't Speak Bisaya[On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon