CHAPTER TEN

23 4 0
                                    

Notes:
A brand new chapter! I hope na magustuhan niyo ang surpresa ko para sa inyo sa chapter na ito! Let's take a little break from the love story of our 2 main characters and enjoy this for a moment.
Thank you in advance for reading my story!


DEBBIE'S P.O.V.

"Anong trip mong basahin?" tanong sa akin ni France habang pumipili ng libro.

Naweirduhan ako dahil bigla nalang niya akong dinala sa bookstore para samahan siyang pumili at bumili ng libro. Pero ba't ako ang pinapapili nito?

"Huh? Ba't mo naman ako tinatanong? Eh diba ikaw yung bibili?" balik kong tanong sa kanya.

"Bakit? Di ba pwedeng magtanong?" tinignan niya ako.

'Sabi ko nga.' sabi ko sa sarili ko at napakamot nalang sa batok ko.

Napatingin-tingin naman ako sa mga libro na nakadisplay sa harapan ko. 'Hala! Ano ba naman 'to?! Wala akong alam sa mga librong ito!'

"Wala bang mga Fantasy Stories dito?" tanong ko at napatingin sa kanya.

"Ba't ako ang tinatanong mo? Ako ba tindero dito?" then he rolled his eyes at me.

Oo nga naman! May sense yung sinabi niya pero yung pagkasabi niya nakaka-inis! Nakakabwiset! Sarap batukan hmp!

I rolled my eyes at lumipat na sa ibang shelf ng bookstore. Baka kung ano pa ang magawa ko naku naku! Nanggigigil talaga ako!

Pero bigla nalang nawala ang inis ko nang may nakita akong isang fanfiction book! Tapos favorite character ko pa ang bida! I LOVE FAIRYTAIL!!!

Tinignan ko ang summary nito sa bandang likod. Na-excite naman ako!! Grabeeee!! Gusto ko na itong mabasaaaaa!! Waaaaaaahh!!

Napatingin ako sa prize nun at... 

ayun

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ayun... binalik ko ang libro kung saan ko ito kinuha. 'ANG MAHAL!!!' Medyo nalungkot ako dahil mukhang matatagalan pa ako bago ko ito mabasa.

"Babalikan kita dito kapag may naipon na ako. Maghintay ka okay?" sabi ko sa libro habang tinuturo ito. I know nagmumukha akong ewan dito at wala akong pake. Eh sa malungkot ako eh at tsaka gustong-gusto ko pa naman basahin yun! Bad timing nga lang.

"Sira ulo ka ba?! Eh may suot naman akong shorts tanga!"

'Teka, pamilyar ang boses na yun ah.!'🤔

"Kahit na! Eh baka may makakita pa na manyak tapos ganyan ang posisyon mo."

'Pamilyar din ang boses na yun.'

"Hala! Nagsalita ang mukhang manyak!"

Napatawa ako ng malaman kung sino yung dalawang nagbabangayan. Si Ate Joanne at si Kuya Vince pala. Pati ba naman sa Bookstore nagbabangayan? 

I Don't Speak Bisaya[On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon