Ocho

2.2K 74 32
                                    

"Mauna na kami, guys! Uwi kayo agad, ah?" Sabi ni Jessy samin habang naglalakad kami papunta sa gate ng school.

"Sinong kasabay mo, Jess?" Tanong ni Neil sa kanya.

"Ako. Magtataxi kasi siya kaya sasabay na ako. Bababa lang ako dun sa cafe sa kanto dahil nandun sina Mama." Sabi ni James sabay ngisi.

"Hala, yung gago nakatipid ng pamasahe!" Humalakhak si Diego sabay batok kay James.

"Aba, shempre! Diskarte lang yan, pare." Tumawa si James.

"Bakit ka pa magtitipid, James, eh mayaman ka naman." Tumawa si Julia.

"Oo nga! Loko lokong to. Kuripot." Asar ni Yen.

"Business ang tawag diyan." Tumawa ako.

Etong si Daniel na naglalakad sa gilid ko ay tahimik pa rin. I mentally sighed. I don't blame him for being this quiet. He was hurt.

"Oh, may taxi na!" Pinara agad ni James yung taxi sa harapan namin.

"Oh, mag-iingat kayo, ah?" Sabi ko habang pinagbubuksan ni James ng pinto si Jessy.

"Hayme, alagaan mo yan si Jessy." Sabi ni Neil sa kanya.

"Oo naman. Ingat din kayo!" Nakangiting sabi ni James.

"Bye, guys! See you tomorrow!" Jessy gave us a sweet smile before entering the taxi.

Nang makaalis na ang taxi nina James at Jessy ay tumingin si Julia samin.

"Napansin ko...bagay sila." Sabi ni Julia sabay tingin sakin tas kay Daniel.

Agad namang siniko ni Yen si Julia. "Huy, Juls ano ba." Sabi ni Yen sabay nguso kay Daniel na nakayuko lang.

"Sorry," She sighed. "sorry, Daniel."

"H-Ha?" Tumingin si Daniel sa kanya. "wala yun."

"Uy, pre, binibig deal mo ba yung sabi ni Jessy kanina?" Tanong ni Diego sa kanya.
"
"Bro, chill ka lang! Yung Love Letter Guy niya yung binasted niya, hindi ikaw. Don't lose hope, pare. Ano ka ba?" Pagmomotivate ni Neil sa kanya sabay tapik sa balilat ni Daniel.

Ngumuso ako. Nako, Neil, kung alam mo lang. Si Daniel yung Love Letter Guy ni Jessy. In short, basted na siya.

Inakbayan ko si Daniel. Tumingkayad pa ako konte dahil matangkad siya. Nabigla ako nang hawakan niya ang bewang ko para di ako mawalan ng balanse. Nawalan tuloy ako ng confidence.

Nakita kong nakatingin nanaman samin si Julia. Actually, silang lahat ay nakatingin samin pero kay Julia yung naiiba. Parang may...malisya?

"Loosen up, Daniel. Ano ka ba? Tapos na yung exams oh! Dapat magsaya tayo. Diba, guys?" I faced them.

I urged them to support me using my facial expressions. Shempre, para mafeel ni Daniel ang positivity and happiness!

Napangiti ako nang makita kong ngumiti si Daniel. Aalisin ko na sana ang braso kong nakapatong sa kanyang balikat pero hinigpitan niya ang kanyang pagkakahawak sakin at nilapit ako sa kanya kaya napatingin ako sa kanya.

Hindi ko alam kung bakit bumilis ang tibok ng puso ko nang tumingin din siya sakin. Lumunok ako nang makita kong napakaseryoso ng kanyang mga tingin. Tumikhim ako at nag-iwas ng tingin.

Ano ba yan, Kath? Umayos ka.

****

Naisipan naming mag mall pero kami lang nina Daniel, Julia at Diego. Sina Neil at Yen kasi ay nagpaalam para magdate. Hinayaan naman namin dahil minsan lang silang lumabas na sila lang dalawa. Lowkey sila eh.

EuphoriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon