Catorce

2.4K 90 64
                                    

Kinabukasan, kaming mga babae ang pinakamaagang nagising dahil gusto naming magmorning swimming. Nagsisi din agad kaming apat paglubog namin sa tubig dahil sobrang lamig nito.

"Finally, Yen! Binitiwan mo na rin ang libro mo!" Pang-aasar ni Jessy kay Yen habang nakalutang kaming apat sa dagat.

I laughed. "Kaya nga. Palagi kasing libro ang kaharap nito."

"Buti hindi nagseselos si Neil sa mga libro mo." Ngumisi si Julia.

She rolled her eyes. "Tumahimik kayo, ah. It's too early, don't make me curse."

Nung nagpahinga kami sa mga lounger ay nakita naming lumabas sa kanilang cottage sina Diego, Neil at James. Nakasuot na sila ng rashguard at dala dala nanaman nila ang kanilang mga water gun.

"Oh, ang aga niyong nagising, ah?" Tanong ni Julia nang makalapit sila samin.

"Masarap maligo basta maaga pa. Tsaka wala mashadong tao." Sabi ni James.

Tumango ako. "Tama."

"Si Daniel?" Tanong ni Jessy kaya napatingin ako sa kanya.

"Borlogs pa," Sabi ni Diego sabay tingin sakin. "gisingin mo nga, Kath." Sabi niya sabay hagis ng susi sa cottage nila.

After catching the key, I frowned at him. "Bakit ako?"

"Bat di ikaw?" Taas kilay niyang tanong sakin.

"A-Alam mo namang mahirap gisingin yun, eh!" Palusot ko.

"Kaya nga ikaw ang gumising nang mahirapan ka." Tumawa si Neil.

I rolled my eyes. "No, thanks. Kayo nalang." Sabi ko sabay abot ng susi kay Yen.

Tinaasan niya lang ako ng kilay. "Aba, bahala ka diyan." Sagot niya sabay iwas ng kamay ko sa kanya.

"Juls? Jess?" Sabi ko habang nakatapat ang kamay kong may hawak ng susi sa kanila.

"Ikaw na, Kath. Babantayan ko pa ang boyfriend ko." Sabi ni Julia sabay nguso dun sa grupo ng mga babaeng nasa kabilang lounger na hindi ganon kalayo samin.

Ngumuso ako. "Pesteng mga to." Sabi ko sa sarili ko sabay tayo.

Humalakhak si Jessy. "Go, Kath!"

Go, self!

Kung ano anong binubulong ko sa sarili ko habang naglalakad ako papunta sa cottage ng boys. Minsan minumura ko itong mga kaibigan ko, minsan naman ang sarili ko.

Bakit ba kasi ako pa ang gigising? Mahilig pa namang magtopless si Daniel kapag natutulog! Marupok ako!

Hindi na ako kumatok dahil hawak ko naman ang susi. Binuksan ko ang pinto, pumasok at sinara ulit. Madilim ang kwarto pero may konteng ilaw naman dahil medyo nakabukas ang bintana.

Nasa kabilang kama si Daniel. Nakadapa at walang suot pang-itaas. I gulped. Sana naman may suot itong shorts, hindi ko kasi nakikita dahil nakatakip ito ng kumot.

"Daniel..." I said softly.

Nakasandal ako sa pinto, walang balak na lumapit sa kanya. Ayoko! Baka hindi kayanin ng mahina kong puso.

"Daniel!"

Hindi pa rin gumalaw. Ay, walang kwenta.

Bumuntong hininga ako bago naglakad palapit sa gilid ng kama. Lumuhod ako para makalevel ko ang mukha niyang nakaharap sakin. Napangiti ako nang makitang tulog na tulog siya. Humihilik pa nga ng konte.

"Daniel..." I poked his cheek.

Nung hindi siya gumalaw, pinitik ko ang noo niya. Nagpigil ako ng tawa nung makitang kumunot ang kanyang noo at unti unting gumagalaw.

EuphoriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon