Veinte Seis

2.7K 101 48
                                    

"Anak, busy ka ba ngayon? May lakad ka ba?" Tanong ni Mommy matapos niyang kumatok sa nakabukas kong pinto.

"Wala naman po pero balak kong bisitahin ang restaurant ngayon." Sabi ko habang naglalagay ng powder sa mukha ko.

"Ganon ba?" She asked. "pwede mo ba akong samahang kunin yung in-order kong sapatos?"

"Sure, Mommy," Nilingon ko siya sabay ngiti. "what kind of shoes, by the way?" Tanong ko sabay tayo.

"Sneakers," She answered. "I ordered one for you and your Daddy too. Buti nalang at alam ko ang sizes niyo."

I chuckled. "Thanks, Mommy."

"You're welcome," She winked. "magbibihis lang ako tas alis na tayo, ha?"

I nodded. "Okay, Mommy."

Buti nalang at nakabihis at nakahanda na ako. Bumaba nalamang ako at tumambay sa sala. Bubuhayin ko na sana ang tv nang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko yun mula sa bag ko at binasa yung bago kong mensahe.

From: Unknown Number

Good morning, friend. Got your number from Julia. Save my number, let's keep in touch :)

I know who this is, halata naman eh. Sa smiley palang.

I sighed before saving his number then typing my reply.

To: Daniel

Done. Good morning, too.

Of course I deleted his number. Nagpalit din naman ako ng numero kaya nawala sakin yung mga dati kong contacts, including him. Nawala nga rin siya sa buhay ko.

Ibabalik ko na sana ang cellphone ko sa bag ko nang tumunog ulit ito. I groaned before reading his text.

How am I supposed to move on! I shouldn't have come last night.

From: Daniel

How formal, parang hindi naman tayo magkaibigan. Hahaha.

I rolled my eyes at his reply. Friend my ass! Sige, maging mataray ka nalang sa kanya para makamove on ka.

To: Daniel

Sorry, ganito lang talaga akong magtext.

From: Daniel

Even to your boyfriend?

I frowned at his text. What the heck! Pakealam niya ba, ha? Kainis to! Tantanan mo ako!

To: Daniel

Sorry but that's none of your business.

From: Daniel

Woah, okay. Chill, hehehe. Anyways about next week, I can come. I cleared my schedule for the whole week.

Natigil ako dun. Naalala ko yung mga panahong pinipili niya ako kesa sa trabaho niya. Sumakit ang puso ko nung maalala ko yun. Yung tanging rason kung bakit kami naghiwalay...o kung bakit ko siya iniwan.

To: Daniel

You didn't have to do that, if you're busy then you can come with us next time.

EuphoriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon