Tres

2.5K 67 46
                                    

Mas maaga akong pumunta sa school kinabukasan. Kailangan ko kasing ilagay sa locker ni Jessy yung letter ni Daniel at dapat walang makakakita sakin kaya maaga ako.

Marami nang estudyante sa mga classroom pero walang mga tao dito sa locker area. Mamaya na ito rarami kung malapit nang magtime.

Nakangisi ako ng tagumpay nang makapasok ako sa classroom. Hindi na ako magulat nang makita ko si Yen, maaga kasing pumapasok to. Good student pero mas good ako.

"Aga, ah?" Tanong niya nang makaupo na ako.

"Maagang nagising eh." Palusot ko.

"I wonder why..." She said while getting her favorite book from her bag.

Oh, just shut up and read your book, Yen.

I pouted when the room fell silent. Apat pa lang kaming naririto. The others were just chitchatting with low voices and Yen was just concentrating on her book. Dahil bored ako ay kinuha ko ang cellphone ko at tinext si Daniel.

To: Daniel

Nalagay ko na sa locker ni Jessy.

I silently prayed that may load si Daniel. Wala kasi akong makausap dito. Ayoko namang istorbohin si Yen sa binabasa niya dahil mukhang damang dama niya na ang feels ng libro.

When my phone beeped, I happily checked my new message. Sumulyap sakin si Yen habang nakataas ang kilay kaya ngumuso ako.

"Ayan nanaman yung katext niyang pinapangiti siya." She teased.

I rolled my eyes. "Shut up, si Daniel lang to. Alam mo naman yun..."

From: Daniel

K. Thanks :*

"Ah, si Daniel lang pala." She said before reading her book again.

"Ano nga pala yang binabasa mo?" I asked her while typing a new message to Daniel.

To: Daniel

Anong oras ka darating dito?

"Love story." Tipid niyang sabi.

"Title?" I asked.

"Heart of the Sea." Diretso niyang sagot habang nakatingin sa kanyang libro.

Eto talaga si Yen, walang kwenta kausap minsan kapag may hawak na libro. Well, I don't blame her. Nagcoconcentrate siya eh.

"Tungkol saan yan? Mga butanding?" Tanong ko.

Tumingin siya sakin at inirapan ako. "Love story tas mga butanding?" Pilosopo niyang sabi.

"Aba! Pwede namang magkalove story ang mga butanding, ah?" Taas kilay kong sabi, sakto namang tumunog ulit ang cellphone ko.

"Ewan ko sayo, timang. Magfocus ka na nga lang diyan sa katext mo. Stop bothering me." She dismissed me.

Makatimang to! Pakainin kita ng sampung butanding eh.

From: Daniel

Luh! Miss mo na ako agad? :>

To: Daniel

Nagtatanong lang ako. Wag kang mag-assume, masakit.

From: Daniel

EuphoriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon