Trece

2.4K 86 42
                                    

Finally, dumating na yung araw na aalis na kami. Gustong gusto ko nang pumunta sa dagat. Gusto ko nang magswimming at mag enjoy ngayong summer.

"Ano, Kath? Tara?" Sabi ni Daniel matapos niyang ilagay sa compartment ng kotse ang mga bag namin.

Tumango ako bago sumakay sa front seat. Bumukas ang pinto ng driver's seat at pumasok na si Daniel. Binuhay niya ang makina ng sasakyan at nagmaneho paalis dito.

I took my phone from my bag and connected t to the car's speakers so we can listen to some music. Hindi ko alam kung bakit awkward ngayon dito sa sasakyan niya.

"Tahimik ka." Sabi niya habang nagmamaneho.

Sumulyap ako sa kanya. "Inaantok lang." Palusot ko.

"Matulog ka na muna," Sabi niya. "pero balak kong magdrive thru, konte lang yung kinain mong almusal kanina."

"Hindi, ayos lang."

"Hindi ayos para sakin, Kathryn." Malamig niyang sabi habang nakatingin ng diretso sa kalsada.

Ngumuso ako. "Pwede naman akong mag almusal dun sa resort."

"Isang oras ang byahe natin papunta dun. Bahala ka diyan, bibilhan kita ng pagkain. Kung aangal ka, uuwi na tayo." Banta niya.

Umirap ako at humalukipkip. "Fine!"

I saw him smile while looking at the road. The made me blush so I looked away. Pinanuod ko nalang ang mga sasakyan sa gilid namin.

"Naisip mo na bang magtrabaho ngayong nakagraduate na tayo?" Bigla niyang tanong.

"Hmm, oo." Wala sa sarili kong sabi.

"Saan?" Sumulyap siya sakin.

"Actually, may pinapatayo na restaurant sina Mommy at Daddy dito sa Manila. And that restaurant is under my name so kapag natapos na ito, ako na ang mamamahala dun." Sagot ko.

"Naks! Uy, libre ako dun ah." He chuckled.

I grinned. "Ewan ko sayo," Tumingin ako sa kanya. "ikaw?"

"Dad's company. Kung magreretiro na si Papa, sakin niya ipapasa ang kompanya." Sagot niya.

"Ano nga ulit yung business niyo?" I asked.

"Mga sapatos." Sabi niya.

"Oh, diba mga hilig mo yun?"

He smiled. "Yup, kaya sakin ipapasa ni Papa ang kompanya."

"Magreretiro na ba siya ngayon?"

"Kung kaya ko nang patakbuhin ang kompanya, magreretiro na siya." He answered.

"Char! Dapat may libreng sapatos ako dun kada buwan, ah?" Biro ko.

Natawa siya. "Oo naman. Anything for you."

Leche, Daniel. Okay na eh, walang malisya tong conversation natin pero bigla bigla kang nagsasabi ng mga ganyang bagay. Bwisit!

Siya nang nag order ng pagkain ko nung nagdrive thru kami. Alam niya din naman ang gusto ko since palagi kami rito. Mabuti at nag order din siya ng para sa kanya dahil mahihiya akong kumain na mag-isa.

"Are you sure it's okay to eat inside your car?" I asked.

Halos lahat kais ng mga lalaking kilala ko ay maarte pagdating sa mga sasakyan nila. Ayaw nilang may nagkakalat sa loob at nadudumihan ang mga upuan. Ganyan din naman ako pero mashado na kasing oa ang iba. Hampasin ko kayo ng gasolina eh!

"Yeah, it's okay. Go ahead and eat." Sabi niya bago nagpatuloy sa pagmamaneho.

"Pano ka? Itigil mo muna ang sasakyan, kumain ka rin." Mahina kong sabi.

EuphoriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon