= P R O L O G U E =

11 2 0
                                    

"Twisted Fate"
Written by: TwinkleKyle

☆☆☆☆☆ PROLOGUE ☆☆☆☆☆

"Hi, Dad. Kamusta ka na diyan? Masaya ka ba diyan?" nakangiting tanong ni Kiarra sa kalangitan. "Kasi po kung ako ang tatanongin niyo... hindi po ako okay at mas lalong hindi po ako masaya. Alam ko po na nalulungkot kayo sa kalagayan ko ngayon pero... hindi ko po talaga mapigilan eh."

At tuluyan nang bumagsak ang mga luha niya. Marahas niya iyong pinunasan at napatingin sa paa niya na nababaon na sa puting buhangin.

Naka-upo siya ngayon sa gilid ng karagatan at kinakausap ang kanyang Daddy na sumakabilang buhay na ng matagal na panahon. Malalim na ang gabi at madilim na sa paligid pero dahil sa bilog na buwan, nakikita parin naman niya ang mga nangyayari sa paligid niya.

Napasinghot siya at napatingin sa bote ng alak sa tabi niya na wala ng laman. Dinampot niya iyon saka sinilip sa loob kung may laman pa ba o wala na.

'Yeah, I must be crazy!' sa isip niya.

Medyo may tama narin kasi siya ng alak dahil nakakaanim na bote na siya ng vodka.

Dahan-dahan siyang napalingon sa Open Bar na nasa 'di kalayuan. Napangiti siya nang makitang bukas pa iyon kaya pinilit niyang makatayo at parang bulate na naglalakad papunta sa Open Bar na iyon.

Ngunit ganoon na lang ang inis niya ng hindi siya bigyan ng isa pang bote ng vodka. Kesyo lasing na daw siya saka babae pa naman siya kaya dilikado, baka mapano pa siya mamaya.

"Hoy, walang kwentang Bartender! Wala kang pakialam sa buhay ko, okay?! Just do your work! Give me my vodka, damn you!" inis na sigaw niya dito.

"Miss, lasing ka lang po kaya kayo nagkakaganyan. Tsaka iniisip lang naman po namin ang safety niyo sa loob ng Resort."

Inirapan niya lang ito at aalis na sana sa kinauupuan niyang stool nang may umusog ng bote papunta sa harapan niya.

Nang suriin niya iyon, hindi siya nagkakamaling alak ang laman 'non kaya napatingin siya sa umusog ng bote sa harap niya.

Isang lalaki na nakaupo sa isang bar stool at nakatingin lang sa dagat. Mukhang malalim ang iniisip nito dahil masyadong seryoso ang mukha niya. At tulad niya, nakaputi din ito. Puting long sleeves na may maluwag na neck tie tapos nakaitim at medyo hapit na slacks saka nakablack shoes. Mukhang galing din ito sa isang party tulad niya.

Napansin siguro ng lalaki na nakatitig sa kanya si Kiarra kaya nagsalita ito, habang nakatingin parin sa karagatan.

"Take it."

Muling napatingin si Kiarra sa bote at kinuha iyon. Ginaya niya yung upo ng lalaki at tumingin din sa karagatan.

"I-it looks like... kakagaling mo lang din s-sa lugar na iyon."

Nahihiyang wika ng dalaga na nasa dagat parin ang tingin at ininom ang alak. Dahil sa sinabi niya napalingon sa kanya ang lalaki at napatinginsa kabuuan niya. Medyo nagulat pa ito ng makitang nakakulay puti rin ito. Isang off-shoulder na white dress na hanggang tuhod.

"Y-yeah."

Napangiti si Kiarra sa sagot ng lalaki, isang mapait na ngiti. Kasabay 'non ang pagyuko niya at nagtama ang mga mata niya sa paa niyang walang sandals.

Eh paano?! Binalibag niya sa dagat sa sobrang galit na naramdaman niya kanina at hanggang ngayon.

"They're all nonsense."

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay tumayo na siya. Nakakadalawang hakbang palang siya at bigla niyang nilingon ang lalaki na nakaupo sa stool na nakatingin pala sa bawat kilos niya.

Inangat ni Kiarra ang bote na hawak niya saka ngumiti sa lalaki. This time totoong ngiti na. Then she mouthed...

'Thank You.'

Nakatingin lang sa kanya ang lalaki, ilang sigundo pa siyang tumayo muna doon. Nagbabasakaling may sasabihin  pa ang lalaki pero nanatiling nakatitig lang ito sa kanya. Muli siyang ngumiti ng matamis at nagpatuloy na sa paglalakad.

Ngunit hindi pa man siya nakakalayo ay may naramdaman siya sa likod at balikat niya na parang mainit. Nang tignan niya iyon, isang itim na at makapal na coat ang nakapatong sa balikat niya.

Bigla na lang lumitaw ang lalaki sa harap niya at lumuhod. Medyo nagulat pa siya sa ginawa nito.

Mas lalo siyang nanigas sa kinakatayuan ng hawakan ng lalaki ang isa niyang kamay at pinatong iyon ng lalaki sa buhok nito.

"Hold tight."

Sinunod naman niya ang sinabi ng lalaki. Hinawakan niya ito sa ulo tapos naramdaman na lang niya na sinosootan siya ng lalaki ng sapatos. Hindi niya makita kung anong sapatos iyon dahil nakaluhod sa harap niya ang lalaki!

Ilang saglit pa, tumayo na ang binata at namilog ang mga mata ni Kiarra ng makitang isinuot sa kanya ng lalaki ang sapatos nito.

Nang tignan niya ang lalaki nakatingin lang ito sa mukha niya ng nakapamulsa.

"Get home safe, Woman."

Ngumiti ito ng konte sa kanya saka tuluyang umalis sa harapan niya.

Nang makarecover na siya kaagad siyang napalingon at nakita niyang malayo na ang nararating ng lalaki kaya bumagsak ang mga balikat niya. Hanggang sa mawala na ito ng tuluyan sa paningin niya.

Napabuntong hininga na lang siya saka tinignan ang sarili niya.

Bigla siyang natawa ng mahina nang makita ang kabuuan niya.

White off-shoulder na dress with coat sa balikat tapos black shoes?!

Imagine that! Ang baduy!

Pero nakangiting napailing-iling na lang siya at nagpatuloy sa paglalakad.

"Thank you for tonight, Mr. Unknown."

------------------------------------
Ey/En: Sorry sa mga typos and wrong grammar. Lalo na sa English. Nyahahahaha yung tipong gagawa ka ng English sentence tapos kapag buo na, mapapaisip ka kung tama ba yung grammar o hinde hahahahaah!

Thankyou so much for reading!

Follow. Vote. Comment.

Twisted FateWhere stories live. Discover now