"Twisted Fate"
Written by: Twinkle_Kyle☆ CHAPTER SIX: BOBO! TANGA! INUTIL! ☆
Kiarra's Point Of View
Napabalikwas ako dahil sa ingay na naririnig ko galing sa kusina. Nang makita ko sa glass window na maliwanag na, napabangon kaagad ako.
Fuck! May pasok ngayon!
Papasok na sana ako ng shower nang magring ang cellphone ko.
Benj Calling...
"Bebe gurl!! Buti gising ka na! Nandito ako sa kitchen mo! Sige subukan mong magalit, sapak ka sakin! Bumaba ka na diyan breakfast na!"
"Hoy Benj! May pasok ngayon! Ano ka ba!"
"Wa. Lang. Pa. Sok. Tumawag sakin yung school na papasukan natin. Next monday pa daw yung pasukan dahil madami daw ang mga nagtransfer kaya aayusin daw muna nila yun."
"Osige. Matutulog na lang ulit---"
She cut me off.
"No! Gumayak ka parin, we're going out."
Natawa naman ako sa sinabi niya. It looks like she's asking me to go with her for a date. At kung makapagaya siya parang may pera talaga siya ah. Haha.
"Excuse me, Mr. Benjamin Aguas? Are you asking me for a date?" natatawang tanong ko sa kanya habang namimili ako ng susuotin ko.
"What?!" she freaked out. "Yuck! Kadiri ka Kiarra Joyce Lee! Stop it, hindi nakakatuwa!" natawa na lang ako.
Wow lang ha! Hahahaha!
"Hahaha! Osige na gagayak na ako!"
"Sige. Makyo ka!"
Minura pa niya ako na parang ngongo, ginaya ko din siya kaya natawa kami pareho.
"Makyo nga ngin!"
Hays. Parang magiging masaya ang araw ko na 'to ah?
Bumaba narin ako pagkatapos kong maligo at nakita ko si Benj na busy sa cellphone niya.
"Let's eat, Mamski." pagkatapos kong sabihin yun umupo na ako sa harap niya.
"Mamski? Ampanget!"
"What do you want me to call you then?"
"Lemme think about it."
"Okay."
Pagkatapos naming kumain lumabas na agad kami. Mamaya na lang daw namin hugasan ang mga pinagkainan naming dalawa.
"So, how's your unit?" tanong ko sa kanya habang naghihintay kami sa labas ng elevator.
"Ayos lang naman. I like it, sobra. Doon na tayo magdinner mamaya?" nakangiting suggest niya.
"Nice idea."
Ilang saglit pa nakasakay narin kami ng elevator.
"Uhh... Benj. I have to tell you something." tinanguan niya lang ako bilang sagot. "Last night bago ako makapasok sa elevator... I saw Gabb." namilog ang mga mata niya.
Paano pa kaya pagsinabi ko na naghahalikan sila ni Beatrix nang time na yun?!
"For real?!"
"Yeah." napabuntong hininga ako. "He's with Trix."
"T*ng*na! 'Di nga?! Trix? You mean your bestfriend?!" tumango lang ako. "What the hell?! Why are they together?!"
YOU ARE READING
Twisted Fate
Mystery / ThrillerSeasson 1 of "Twisted Fate" Written by: Twinkle_Kyle All Rights Reserve. 2018.