"Twisted Fate."
Written by: Twinkle_Kyle☆ Chapter Three: The Beggining of her wasted Life. And a Friend?! ☆
Kiarra's Point Of View
This is the day!
Wala na akong magagawa! Kahit na ayoko ng ituloy ang paglipat... wala na talaga akong magagawa!
Kapag minulto ako ng mag-ina, magmumulto multuhan na lang din ako para isipin nila na hindi ako tao!
Knock! Knock!
"Come in."
Nakita ko sa salamin na pumasok si Lolo sa kwarto ko, nagma-make up kasi ako ngayon ng light lang naman kaya kaharap ko ang salamin. Nagkilay lang ako, eyeliner, konteng polbo, saka naglagay ng mapulang lipstick na stawberry ang flavor.
Make up na yun para sakin!
"Oh, Lo." nilingon ko siya nang matapos na ako sa ginagawa ko. "'Wag niyo pong sabihin na pumunta po kayo dito sa room ko para magdrama na naman!" natatawanang sabi ko sa kanya.
Eh paano ba naman kasi! Kaninang umaga paggising ko, nakatitig siya sakin habang natutulog pa ako tapos umiiyak! Nang tinanong ko kung bakit... lilipat na daw kasi ako!
Ewan ko ba diyan kay Lolo! Lilipat lang naman ako ng bahay, hindi naman ako magtatanan with someone!
Pero naiintindihan ko naman siya. He's just worried. Pero nang malaman niya na hindi na si Nillson McDwell ang naghahawak ng Celina nabawasan ang pagalala niya. Saka isa pa babalik na din siya sa London next week!
Hindi siya sumagot at nanatiling nakatingin lang sakin. I can see sadness and loneliness in his perfect eyes. Kahit may edad na si Lolo, hindi naman halata yun dahil sa physical appearance niya. You know what I mean.
Nilapitan ko siya saka hinawakan ang isang kamay niya.
"Lolo naman eh. 'Wag na po kayong malungkot. Lilipat lang naman po ako ng bahay eh, hindi po ako magtatanan! Saka dadalawin ko naman po kayo dito eh."
"Sana nga, Apo. Pero hindi na ako magtatagal dito sa Pilipinas."
Kumunot ang noo ko.
"B-bakit po?"
He sighed. Hinila niya ako paupo sa couch na nasa loob ng kwarto ko.
"Apo, 'wag ka sanang magagalit kay Lolo. Ang Auntie, Paola mo sinugod sa ospital. Nagpumilit kasi siyang makapasok sa Mansion ng mga Laxamana para kausapin ang Mommy mo na makipaghiwalay na kay Nillson McDwell pero ayaw siyang kausapin dahil hindi naman daw sila magkaano-ano... at dahil nga matigas ang ulo ng Auntie mo, nagpumilit parin siya at hindi na nakatiis ang Mommy at pinabaril niya ito sa mga guards na nagbabantay doon sa Mansion nila sa Japan."
"What?!"
Hindi ko mapigilang mainis-- no magalit NA NAMAN sa Nanay ko! Wala talaga siyang kwenta! Paano niya nagawa yun sa mismong kapatid niya?! Isang malaking Gaga talaga yung babaeng yun!
YOU ARE READING
Twisted Fate
Mystery / ThrillerSeasson 1 of "Twisted Fate" Written by: Twinkle_Kyle All Rights Reserve. 2018.