= F O U R =

0 0 0
                                    

"Twisted Fate."
Written by: Twinkle_Kyle

☆ Chapter Four: Beatrix?! ///// Making Out! ☆


Kiarra's Point Of View

It's nice to be with this person. Ngayon lang kami nagkakilala pero feeling ko matagal na naming kilala ang isa't-isa.

"Hay nako, beb! Sana hindi ka na nagabala pa! Mukhang may lakad ka eh." nahihiyang wika niya.

Nandito kami ngayon sa loob ng kotse ko. Ihahatid ko lang siya sa Apartment niya saka one way lang naman eh, kesa maglakad pa siya, eh ang layo ng Sto. Thomas sa Manila.

(A/N: Imbento ko lang yung Sto. Thomas na lugar na yan, Guys. Wala akong maisip na pangalan ng lugar eh. Basta probinsya yan dito sa Pinas. Yun na lang ang imaginen naten hihihihi.)

"No! It's fine... kaysa naman hayaan ko yung kaibigan ko na maglakad magisa sa hating gabi. Saka isa pa babae ka pa naman, it's dangerous!" kinilig naman siya sa sinabi ko.

"Iiihhh.... enebe! Hahahahaha!" tawa siya ng tawa dito sa tabi ko. Kakatapos lang namin kainin ang mga pinangbili ko kanina at ayun ubos, pati beer ininom namin.

Ang lakas din niyang mang real talk! Pero mas gusto ko yun kaysa sa nagpaplastikan kami dito.

Bagay daw sakin yung damit ko pero parang pokpok daw ako, on her own opinion ha! Yes, her! Masanay na kayo. Sabi ko nga sa kanya naiinggit lang siya eh pero sabi niya lamang lang daw ako ng 1% sa kagandahan niya. Puro talaga kagaguhan eh! Tapos kung ano-ano pang kalibugan ang kinikwento sakin! Lahat nang embarrassing moment niya kinwento niya sakin, ako naman tawa lang nang tawa kasi kung ako yung nasa sitwasyon niya... mahihiya ka talaga!

Meron nga daw minsan nakakalbo niya yung kilay ng costumer nila sa Parlor na pinagtatrabahuhan niya. Tapos kapag may nagpagupit na daw na gwapo hindi na niya pinapabayad basta payagan lang siyang ikiss sa lips o kahit sa pisnge na lang nang magpapagupit. Kapag daw binabalik balikan niya yung mga ganong kagaguhan niya, natatawa na lang daw siya at hiyang hiya din at the same time.

Hanggang sa maging seryoso na yung usapan namin... family.

Kinwento ko yung sakin. As in lahat talaga. Kung ano ang kalagayan ko ngayon, kung bakit nakaganito ako, tungkol kay Daddy, tungkol sa kay Mommy na inasawa ang isang demonyo dahil sa pera, si Lolo, sila Beatrix at Ruam kinwento ko rin sa kanya. At si Anonymous Guy na nameet ko noon sa Resort ng Sto. Thomas.

"Kaloka ang Modrakels mo, Beb! Kagigil siya wa! Ang sarap niyang sabunutan ng bonggang bongga!" gigil na wika pa niya. Ako naman mapait na ngumiti na lang. At nang makita niya yun, lumungkot ang mukha niya. "It's okay, Joyce. All things work together for good. Hindi lang diyan matatapos ang lahat. God has a plan for it." she patted my shoulders nginitian ko lang siya.

"Ikaw? Kamusta ka naman?" paglilipat ko ng topic at napabuntong hininga siya.

"Okay lang... mas okay yung nag-iisa lang ako. Walang pumuputak para sermonan ako. Nagiisa na lang ako tapos.. Basta. Hindi kasi ako sanay sa mga drama na ganyan, beb! Gigil ako sa mga madramang tao eh! Lalo ba kapag hindi bagay sa kanila tapos tinuyuloy pa?! Kainis!" natawa na lang ako sa kanya.

"How about your studies?"

"H-Hindi na ako magaaral. Second Year College na ako sa pasukan. Pero hindi ko alam kung kakayanin ko ba o hindi. Wala akong pangtustos sa pagaaral ko. Baka next year na lang ipon-ipon muna si Akels."

Twisted FateWhere stories live. Discover now