"Hmmmm...ang sarap naman nitong chicken joy Nay!" sambit ni Nene na nasasarapan.
"Masarap ba talaga nak?"malambing na tanong ng nanay niya.
"Opo nay! Sana po palagi nalang ganito ang ulam natin ha. Promise?"ani Nene.
"Promise!" buong-pusong sagot ng nanay.
Pinagpatuloy nila ang kainan. Muling sumubo si Nene. Kinurot ang natitirang piraso ng tuyó. Sinawsaw sa suka. Hinalo sa pinagtiisang tinge-tingeng kanin mula sa mga tira-tira na nakolekta ng nanay.
Sa bawat pagsúbo, siya rin ang pagpapikit ng kanilang mga mata. Iniisip na isa itong malinamnam na chickenjoy, na matagal na nilang pinapangarap kainin.

BINABASA MO ANG
Dagli
RandomDagli. O ang napakaikling kwento. Napakaikli nga, oo. Pero sobra pa sa akdang ito ang mga aral na makukuha mo. Mga kwentong hango sa totoong buhay, inilipat sa modernong pamamaraan na siyang uso't patok sa makabagong madla. Kwentong may halo ng iba...