Regalo

1.8K 9 2
                                    

"Babe. Happy 31st Birthday sa'yo! Mahal na mahal kita." matamis na ani ni Kyle sa kanyang 4 na taong kasintahang si Joana.

Ang lugar ay presentable. Kaaya-aya. Perpekto para sa mga dalawang nagmamahalan.

Samantala, kung gaano kasaya si Kyle,  'di naman masisiil ang mukha na 'di maintindihan ni Joana.

"Oh babe? Bakit malungkot ka? Di ka ba masaya?" tanong ni Kyle habang hinahawakan nito ang kamay ni Joana.

"A...e...m...masaya n...naman a...ako a. B...bakit m...mo naman n...nasabi?" kabadong sagot ni Joana kay Kyle habang kumuwala siya mula sa pagkakahawak ng mahal niya sa kanyang kamay.

"Hmmmm? Ang ganda mo talaga no? I love you." sabay halik ng binata sa kanyang kasintahan.

Wala pa ring reaksyon ang dalaga. Bakas sa mukha ang dalamhati.

"Babe may regalo pala ako sa'yo," ani niya bago kunin ang mumunting kahon mula sa kanyang likuran.

"Babe buksan mo ang regalo k--," di pa tapos sa pagsasalita si Kyle, sumingit na agad si Joana.

"Kyle, magtatapat na ako sa iyo. Oo, mabait ka...hindi ka nagkulang, kaso sumobra nga lang. Kyle, mahal kita...sobra pa sa pinakasobra...but I think you deserve someone better than me. I love you, goodbye!" mga huling bulalas ng dalaga.

Tumayo. Kinuha ang regalo. At iniwan ang binatang luhaan.

Pag-uwi sa bahay, binuksan ng dalaga ang mumunting kahong nakabalot ng magara.

Sa loob ay ang mamahaling bagay na magkasing-kulay ng isang pilak...singsing--maganda at kumikinang pa.

At hindi lang ito. Napaiyak ang dalaga nung nakita nito ang isang súlat sa isang pirasong papel, ang...

"Will you marry me?"

DagliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon