"Tope, tapatin mo ako! Gaano mo ako kamahal?" sinsero kong sambit sa minamahal ko.
"Sobra pa sa pinakasobra. Kaya sana ganun ka rin sa akin ha," sambit niya na napakasinsero rin.
"Sana totoo."
"Totoong-totoo yun Mahal ko"
"Akin ka lang ha."
"Sayong-sayo na ako. Ikaw lang ang mahal ko."
"Mahal kita, Tope! Mahal na mahal kita!"
"Mahal din kita, Euns!"
Ilang sentimetro na lang ang layo ng amin mga mukha mula sa isa't isa. Nanginginig na ako, subalit sabik na akong matikman ang kanyang mga labi. Kaso...
"Cutttttt!" ang sabi ng direktor. Tapos na ang palabas. Nagsasanay lang. Walang totohanan. Napakasakit, lalo na't hanggang dula lang ang pagmamahalan namin.
Sana...
Sana totoo.

BINABASA MO ANG
Dagli
RastgeleDagli. O ang napakaikling kwento. Napakaikli nga, oo. Pero sobra pa sa akdang ito ang mga aral na makukuha mo. Mga kwentong hango sa totoong buhay, inilipat sa modernong pamamaraan na siyang uso't patok sa makabagong madla. Kwentong may halo ng iba...