Lilang Eyeshadow

1.5K 10 2
                                    

"Uy bes nag make-up ka no?" gulantang na tanong ni Jane kay Alexa matapos pagmasdan ang mukha nito.

"Ha? A...e...h...hindi naman Jane. P...paano m...mo n...naman nasabi?" kabadong sagot ni Alexa habang unti-unting yumuyuko at tinatakpan ang mukha.

"Pero bes, honestly speaking, pumangit ka sa make-up mo. Howcome?" pangbubusisi ni Jane.

"W...wala nga Jane!" huling sambit ni Alexa bago iniwan ang pag-uusap nila.

Tuluyan nang umalis ang dalaga. Iniwan ang konbersesasyon ng mapayapa. Napaniwala nito si Jane na make-up lang ang nasa mata. Pawang eyeshadow kumbaga.

Ang hindi alam ng isa pang dalagang nambusisi sa kanya, ang inakalang make-up ay isa palang bakas ng suntok mula sa lasing na ama. Bugbog sarado. Halos mamikit na ang mata.

Naglililang mga pasá. Sige, ipagpalagay nating isang Lilang Eyeshadow.

Dulot ng isang kaganapan na kailanma'y mananatiling bangungot--ang gahasa.

DagliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon