"Ma! Paano ba ito? Okay lang ba?"
"Alam mo ba Ma? Sobrang excited na ako."
"Oh eto bang make-up ko, okay na ba?" sabik na sambit ni Jessica habang tumitingin sa salamin."Ay siya nga pala Ma, ayoko sanang sabihin muna sa'yo para surprise lang, pero napabilang po ako sa With Highest Honors, tatlo kami. Ang isa, yung sa kabilang section, tapos yung dalawa mula sa amin, ako at si Paulo. Yieeee sabik na talaga ako!" kwento ng dalaga sa kanyang mama.
"Ma? H'wag ka nang umiyak, ayan tuloy pati ako napapaiyak. Ano ba yan Ma! Chill lang tayo. Hehe I love you ma!"
Lumingon ang dalaga sa kanan mula sa pagsasalamin na kung saan ang litrato ng kaniyang Mama ay nakadikit.
Apat na buwan nang namatay ang kanyang Mama subalit 'di niya lang talaga matanggap. Sa kabila ng lahat, ayaw niyang manatiling madilim ang nakaraan. Masakit man sa kanya ang naganap, ngunit kailangan niyang magpanggap--magpanggap na buhay ang nagagagap.
Apat na taong nagkunwari, sa loob pala'y may kumikirot din. Apat na taong naghasa ng talino, gagraduate ng with High Honors, alay sa kanyang yumaong Mama.
"Ma, alis na ako. Magsisimula na ang graduation namin. Sumunod na lang po kayo a!"
![](https://img.wattpad.com/cover/152729602-288-k79325.jpg)
BINABASA MO ANG
Dagli
RandomDagli. O ang napakaikling kwento. Napakaikli nga, oo. Pero sobra pa sa akdang ito ang mga aral na makukuha mo. Mga kwentong hango sa totoong buhay, inilipat sa modernong pamamaraan na siyang uso't patok sa makabagong madla. Kwentong may halo ng iba...