Sammy's POV:
Ngiting tagumpay akong umalis sa conference room at iniwang nakatulala doon si Laverne. Finally, sa hinaba-haba ng diskusyon namin, papayag din naman pala siya.
"Mr. Carson, is it really okay na ibigay kay Sweet Death ang mission na yun?" my smile just faded when I heard what one of my agents have said.
I looked at him as I said, "Are you underestimating Sweet Death? You probably not".
Nilagpasan ko na siya at pumunta sa sarili kong office. Sa pagbukas ko ng pinto ay agad kong tiningnan ang bulletin board kung saan nakalagay roon ang mga achievements at timeline ng Agency namin. Natatawa na lang ako habang naisip na matagal na pala naming kasama sina Sweet Death at Nightmare Bitch sa Agency. Since then, naging maingay ang buong lugar dahil sa presensiya ng dalawang yun,tsk tsk.
Nilapitan ko naman ang isang device na nakadikit lang sa dingding ng office ko na sinadya kong takpan ng orasan para hindi makita. Ito ang device na naglalaman ng mga information regarding sa dalawang makapangyarihang assassin namin.
--------------------------------------------
REAL NAME: Dennise Laverne Stanley
CODENAME: Sweet Death
TITLE: The Dangerous Dragon Assassin
NO.OF MISSION ACCOMPLISHED: 597
NO. OF MISSION FAILED: 0
NO. OF KILLED PEOPLE: 5,853 (since 17 yrs.old)
RANK: 2nd Top Ranking Assassin in the World
-----------------------------------------------
REAL NAME: Gwendolyn Chloe Herschel
CODENAME: Nightmare Bitch
TITLE: The Horrible Chick Assassin
NO.OF MISSION ACCOMPLISHED: 641 NO.OF MISSION FAILED: 5
NO.OF KILLED PEOPLE: 3,799 (since 16 yrs.old)
RANK: 1st Top Ranking Assassin in the World
------------------------------------------------------Napailing ako sa mga data na meron ako. Really, those two are damn dangerous. Looks can be deceiving too, They have those angelic faces but they are both demons.
Ilang tao na ang napaslang ng mga kamay nila at ilang dugo na ang umagos sa espada ni Laverne gayun din sa mga balang itinanim ni Chloe sa katawan ng mga taong target nila. Hindi ko rin naman masisisi ang nangyayaring ito. Ito ang layunin ng Secret Agency namin. Ang patayin ang mga underlings,o yung mga taong kabilang sa Underground Society/ Underworld.But it's too irony,right? Both Laverne and Chloe are one of the underlings because they are assassins. Yet they want to kill all of those kind of people.
--------------------------------Laverne's POV:
Ilang minuto rin akong napatanga sa loob ng conference room. Hindi ko talaga ma-absorb ang mga huling salitang sinabi ni Sammy. Sobra namang bilis ng lahat!
Nang mag sink in na sa utak ko na totoo ang lahat ng ito, nagdesisyon na kong umalis doon at baka mabwisit lang ako 'pag makita ko pa ang pagmumukha ng Sammy na 'yun!
Nagmadali akong bumaba ng building at hindi nakaiwas sa akin ang tinginan ng mga tao dito. Panay sila yukuan na akala mo naman kagalang-galang akong tao. Imbis na matuwa ay naiinis ako sa ginagawa nila.Hindi pa ba sila sanay na lagi akong nandito? Bakit pa ko kailangang galangin kung isa akong taong pumapatay? Na isa akong assassin?
Dahil sa inis ay huminto ako at nakitang nakayuko pa rin sila kaya nagsalita na ako.
"Bakit niyo ba ako niyuyukuan? Ano bang meron sakin? Hindi ba pwedeng dumaan ako dito na hindi niyo ko pinapansin at niyuyukuan diyan?! Araw-araw tayong nagkikita-kita pero ganyan pa rin ang trato niyo sa akin. Mas gugustuhin ko na sa tuwing dadaan o makikita niyo 'ko, ngitian niyo lang ako o di kaya ay makipag usap sakin na hindi tinitingnan kung anong katayuan ko sa Agency na ito. Do you understand that?" pagmamataray ko sa kanila at nagsitango naman sila.
"Good, now halika dito" tawag ko dun sa babaeng nasa table niya at nag tatype pa sana sa computer.
Lumapit siya sa akin pero pansin ko pa rin ang hiya niya o takot? Tss Inakbayan ko siya na ikinagulat naman niya."Hey buddy. Takot ka ba sakin? Masyado na ba akong maganda para katakutan huh?" nakangiti kong tanong sa kanya sabay flip ng buhok ko.
Napatawa siya nang bahagya kaya gumaan na ang pakiramdam ko. Well, to think of that... Baka ako lang talaga ang mailap sa mga tao dito kaya ganun. Nginitian ko silang lahat at ngumiti rin sila sakin.
"Oh minsan lang to ah? Baka masanay kayo na nakangiti ako." biro ko sa kanila.
"Maam, mas bagay nga po kapag nakangiti kayo" sabi ng isang lalaki na naka glasses. Inirapan ko lang siya at tinanggal na ang pagkaka akbay sa babaeng katabi ko.
"Parang sinasabi mo naman na lagi akong nakasimangot,huh, Mr. Rosario" sabi ko na ikinagulat pa niya.
"Paano niyo po nalaman ang pangalan ko?"
"Huwag ka na nga mag PO. Tsaka, hindi lang halata pero mga kilala ko kayo" sagot ko sabay ngiti.
"Huwag niyo na rin akong tawaging Maam kung pwede. Dennise nalang" dugtong ko pa."Siya nga pala, Dennise... alam mo ba kung kailan uuwi si Nightmare dito?" tanong ng isang Senior Agent namin. Buti naman at hindi na awkward ang atmosphere dito. Madali din naman palang kausap to eh.
"Well, wala akong balita sa babaeng yun. Ayokong marinig ang boses niya dahil baka mabwisit lang ako. Isa pa, wala kaming communication dahil hindi niya sa akin nabigay ang number niya nung umalis siya", napairap na lang ako sa kawalan dahil sa bagay na yun.
"Ganon ba,D-Dennise? Meron kasi akong number niya." sabi naman ng isang lalaki na siguro ay kaedad ko lang.
"Paano mo nakuha?" taas kilay kong tanong sa kanya." Ah..Eh" aligaga niyang sabi.
"Excuse me,Dennise. Pero binigay niya ang number niya sa lahat ng tao sa Agency para lagi naming ma track ang location niya at ang mga ginagawa niya ngayon sa Europe. Meron din kasi siyang ginagawang mission doon" sagot ng isang babaeng Senior Agent na ikinagulat ko naman.
"Binigay niya ang number niya... sa inyong lahat? Except sakin? My goodness" inis kong sabi at naglakad papalapit sa lalaking nagsabing may number siya ni Gwendolyn.
"Give me the number of that freaking lady" utos ko sa kanya at agad naman niya sakin ibinigay iyon. Na phonebook ko na ang number ng babaita kaya naman nagpaalam na ako sa kanila.
Pagkarating sa Parking lot ay agad kong pinuntahan ang sasakyan ko at nagmadaling nagdrive papunta sa bahay.
"Hey,ate! What's up?" nakangiting bungad sakin ni Nathan.
"What's with that outfit?"tanong ko naman sa kanya nang makitang mukhang aalis ang mokong na to.
"Aalis kami nila Mom at Dad ngayon. Nakalimutan mo ba?", sagot niya na ikinairap ko lang sa kanya. Bigla namang dumating sina Mom at Dad na buhat ang mga maleta nila.
"Oh dear, andito ka na pala. Good dahil magpapaalam na rin kami", nakangiting sabi ni Mom.
"Oh, akala ko next week pa kayo?" tanong ko sa kanila.
"Binago kasi ang schedule ng business meeting namin sa New York, that's why" sagot ni Dad na ikinatango ko na lang.
"Are you sad?" biglang tanong ni Mom na ikinatingin ko sa kanya.
"Of course not. Well, to be honest, mas okay na rin to dahil meron na naman akong mission and it would be a difficult one this time", I said and they just hug me.
"Well, take care sweetie", they said as they walk towards the door.
"Ano palang gusto mong pasalubong Ate?" tanong naman ni Nathan.
"Dorayaki and Takoyaki sa Japan,please" I replied and he just show me a thumbs up. I bid a goodbye to them since ayaw din nilang ihatid ko sila sa airport dahil magiging delikado daw pag ganun.
Well, sa position ko ngayon, talaga namang delikado dahil masyadong mainit ako sa mga mata ng underlings. Mahirap na rin at baka pag makilala ako ay pamilya ko pa ang maagrabyado.
----------------------------------
BINABASA MO ANG
Sweetheart, You are my Target! (Assassin Vs. Mafia) [EDITING]
ActionHAVE YOU BEEN BORED IN YOUR LIFE? Why not take a chance to enter in our world...where you can be aware of the sickening reality that keeps on pulling the humanity? This world is not only made up of the people we believed in before. The shadow behind...