Chloe's POV:
Nakita kong seryoso at galit ang mukha ni Sammy pero napansin kong masyado pa ring sincere ang mata niya kay Death.
Maski si Death ay nagulat din sa sinabi ni Sammy.
Pasimple akong napangiti.
Bilang isang maunawaing tao, bibigyan ko muna sila ng time nila hihihi.
Alam kong mainit ang tensyon kaya gusto ko ring matauhan si Death sa mga pinag-gagagawa niya.
Pasimple akong pumunta malapit sa pinto at agad lumabas. Yiiieeee, bibigyan ko sila ng moment...
Sammy's POV:
Ramdam ko ang pagkagulat ni Laverne sa sinabi ko.
Pero ang sakit lang dahil wala pa ring kaemo-emosyon ngayon ang mata niya habang nakatingin sa akin.
Bigla akong lumapit sa kanya at isinandal siya sa dingding. Ikinulong ko siya ng mga kamay ko at seryosong tumingin sa kanya.
"Laverne..." mahina kong saad sa kanya. Malapit ang mukha naming dalawa kaya medyo naiilang ako.
"Hindi mo man lang ba iniisip ang posible naming maramdaman sa mga ikinikilos mo?" tanong ko sa kanya pero seryoso lang siyang nakatingin sa akin.
Ni hindi man lang siya gumagalaw at inaasahan ko pa namang agad siyang magpupumiglas sa akin.
"Masyado lang kayong paranoid..." bagot niyang sagot.
"No! Hindi lang ito simpleng bagay, Laverne!! Pwede kang malagay sa panganib kung puro ka lang padalos-dalos! Tao ka lang, hindi ka imortal na pakiramdam mo ay balewala lang sayo ang mga panganib na dulot ng misyon na ito. Bakit hindi mo ba maintindihan 'yun?" inis ko sa kanyang sabi.
Saglit kong ikinalma ang sarili ko dahil magkalapit lang kami sa isa't isa. Masyado siyang malapit sa akin ngayon at ramdam ko ang bawat paghinga niya.
"Laverne, masyado ka nang walang pakialam sa paligid mo. Isipin mo man lang kahit paano ang kalagayan mo", mahina kong saad sa kanya kasabay ang pagpatak ng luha ko.
Hindi ko napigilan ang emosyong ito. Natatakot ako sa ideyang mapapahamak siya.
Napatingin ako sa kanya at nakitang nagulat siya.
"S-Sammy, huwag kang umiyak sa harap ko..." saad niya sa akin.
"Kailangan kong ipaunawa sayo ang lahat. Ayokong malagay ka sa panganib dahil sa kapabayaan ko", sagot ko at nagulat ako nang hawakan niya ang mukha ko sabay punas ng mga luha ko.
"L-laverne..." tangi kong saad dahil sa pagkagulat.
Laverne is wiping my tears? Laverne is holding my face... Hindi ko alam kung dapat ba 'kong matuwa, kiligin o lalong maiyak.
"I don't want to see you cry in front of me. At mas lalong ayokong umiyak ka dahil lang sa akin..." mahina niyang banggit.
"I- I just want to protect you. Hindi ko alam ang gagawin ko kung sakaling may hindi magandang mangyari sayo dahil sa mission na ito..." sabi ko sa kanya.
"Hindi mo kailangang mag-alala. Kaya kong protektahan ang sarili ko." saad niya na ikinabagsak ng balikat ko.
"Damn! Laverne... Bakit ba ang manhid mo?! Bakit hindi mo naintindihan ang sinasabi ko?!" inis ko sa kanyang sabi.
"What are you talking about, Sammy? Bakit ka ba nagkakaganyan?" inis niya rin sa aking tanong.
"Why?! You're asking me, why?! Damn it, Laverne! Hindi mo man lang ba nararamdaman? Laverne, I really love you! That's why I'm fucking worried about you! Hindi mo pa rin ba naiintindihan?!" inis ko sa kanyang sabi na ikinagulat niya.
BINABASA MO ANG
Sweetheart, You are my Target! (Assassin Vs. Mafia) [EDITING]
AçãoHAVE YOU BEEN BORED IN YOUR LIFE? Why not take a chance to enter in our world...where you can be aware of the sickening reality that keeps on pulling the humanity? This world is not only made up of the people we believed in before. The shadow behind...