(WARNING: Violence and foul words ahead!)
Laverne's POV:
Lumabas na ako ng kotse gayun din si Mr.Gregg na nasa katinuan na.
Lumapit kami sa kotseng sumalpok sa amin at natuwa ako nang makitang buhay pa naman ang dalawang nasa loob non. Sinira ko ang pinto ng kotse nila para makalabas naman.
Hingal na hingal silang lumabas doon at napansin kong may sugat sa noo ang babae.
May narinig naman akong parang may nagsasalita kaya napatingin ako sa cellphone na nasa driver's seat.
"So, humihingi na pala kayo ng back up?" tanong ko sa kanila sabay kuha ng cellphone.
Pinakinggan ko ang nagsasalita.
[Hello,ano ba yun?]
[Nabangga ba kayo? Ano bang nangyayari?]
[Di kita naintindihan kanina, Anong sinasabi mo? Hello...]
Inilapag ko muna ulit ang cellphone sa driver's seat.
"Pano ba yan? Di ka daw naintindihan. Buti naman at clueless pa rin sila sa nangyayari", nakangiti kong sabi. Yung ngiti na maiinis sila.
Akmang sisigaw 'yung babae nang biglang ko siyang tinadyakan at inilayo sa sasakyan.
"Teka lang, mamaya niyo na sabihin na naglalaro tayo", maamo kong sabi sa babae na ngayon ay umiiyak na.
"Please, wag yung girlfriend ko. Ako na lang", pagmamakaawa ng lalaki.
Nilingon ko siya at napabuntong-hininga na lang.
"You know what, sa mga taong gaya natin, hindi dapat nag eexist ang salitang LOVE. Dapat alam niyong iyan ang sisira sa layunin niyo. As long as you're using your heart, walang patutunguhan ang ambisyon natin, so we must prioritize our brain. That's what we, underlings are destined to be. Just to be a killing machine. No feelings, no emotions. Just aiming the top always..." seryoso kong saad sa kanya para matauhan.
Hinugot ko muli ang katana at pikit matang sinaksak ang babae. Humagulgol ang lalaki sa nasaksihan. Pinakinggan ko lang ang iyak niya dahil hindi ko maaatim na tingnan pa iyon. Mahina ako sa emosyon ng mga lalaki. Hindi ko alam kung bakit parang nadudurog ako kapag nalalaman kong umiiyak ang isang lalaki. Mas gugustuhin ko kasi na makita ang mayabang nilang mga mukha kaysa nagdudusa. Siguro nga talaga ay mas malakas makahugot ang emosyon ng lalaki. Palagi silang malalakas sa mga mata ko kaya ganun na lang ang pag-iwas ko sa tuwing pumapatak na ang mga luha nila.
"AAAHHHHHH.... MARGA!!" pagsigaw niya at unti-unting naririnig ko na ang pagtahan niya. Sa pagdilat ko ay muli kong hinawakan ang cellphone at itinapat na ngayon sa bibig ng lalaki.
Nagtataka niya akong tiningnan at pati sa hawak kong cellphone.
"Sira-ulo! Kung iniisip mong ipapakain ko sayo ang cellphone na yan, pwes nagkamamali ka." sagot ko sa naguguluhan niyang mukha.
"Tell them what happened" I said.
"F-farewell..." walang kwenta niyang sagot sa kausap niya sa cellphone. Kasabay nun ang pagpatak ng luha sa mata niya kaya nainis ako.
"Sabihin mo kung anong nangyayari!" gigil kong sambit.
"S-sinundo na kami ni S-sweet Death..." huli niyang sabi bago barilin ang sarili niya. Napairap ako dahil sa katangahang ginawa niya.
BINABASA MO ANG
Sweetheart, You are my Target! (Assassin Vs. Mafia) [EDITING]
ActionHAVE YOU BEEN BORED IN YOUR LIFE? Why not take a chance to enter in our world...where you can be aware of the sickening reality that keeps on pulling the humanity? This world is not only made up of the people we believed in before. The shadow behind...