Part I

78 3 0
                                    

Hailey Dane Ibaviosa POV

Dahan-dahan ang ginawang hakbang ni Hailey papasok sa kwarto. Making sure that no one can hear her. Luckily wala ngang makakarinig sa kanya dahil dinig mula sa loob ng banyo ang lagaslas ng tubig. Kampanteng binuksan ni Hailey ang computer na nasa gilid ng silid.. Pinakamabilis na ang isang oras kapag naliligo si Haisee kaya naman alam niyang hindi ito agad lalabas ng banyo.

Input Password

Yun ang lumabas ng i-on niya ang computer. Napangiti nalang si Hailey.

“Matalino talaga itong si Haisee nilagyan na ng password ang computer niya pero matalino man siya mautak naman ako..”

Konting pindot-pindot lang sa computer ay nahack na din niya ang password kaya naman napangiti nalang siya sa sarili niya.

“Wala ka pa rin talagang kupas Hailey Dane Ibaviosa ” puri niya sa sarili.

Maya maya pa ay enjoy na siya sa pagcocomputer.

Nung last week kasi ay nasira ang personal computer niya kaya wala siyang magamit. May pesteng rule pa naman sa bahay nila na kung sino ang makakasira ng gamit ay siyang magpapaayos nun.

Peste kasi laging siya ang nakakasira. Sabi nga ng mommy niya masyado daw kasing mabigat ang kamay niya kaya nasisira ang lahat ng hawakan niya.

Mula sa loob ng banyo ay dinig niya pa ang pagkanta ni Haisee. Napangiti nalang siya ng nakakaloka. Kung malalaman ni Haisee ang ginawa niyang pagpasok sa silid nito at paggamit ng computer nito ay siguradong magtititili ito ng sobrang lakas.

Ayaw kasing ipagamit ni Haisee sa kanya ang anumang gamit nito dahil kilala nito ang abilidad niya sa paninira ng gamit.

Masyado pa namang maingat yun si Haisee kaya maghihisterikal yun once na malamang ginagamit niya ang computer nito.

Kaya nga kapag may ganitong pagkakataon ay sinusulit ni Hailey. Itinataon niyang laging naliligo si Haisee kapag papasok siya sa kwarto nito.

Hindi niya nga maintindihan kung anong klaseng orasyon ba ang ginagawa nito kapag maliligo at inaabot ito ng ganung katagal. Pinakamabilis na ang isang oras ditong maligo kaya may time talaga siyang pasukin ang kwarto nito.

Kung anu-anong kaartehan pa ang inaapply nito sa katawan samantalang siya shampoo, conditioner, sabon, kuskos at banlaw lang eh tama na sa kanya ang isang oras. Kasama na dun ang pagbibihis. Samantalang itong si Haisee ay wala pang bihis sa isang oras na yun at aabutin pa yun ng isang oras sa pagbibihis at pag-aayos.

Nang marinig kong namatay na ang shower ay agad ko na ding pinatay ang monitor ng computer at dali-daling lumabas na ng kwarto.

Mahirap ng mahuli…hehehe…

Kaso hindi pa ako tuluyang nakakalayo sa silid ni Haisee ay narinig ko na ang tili niyang mas malakas pa yata sa sirena ng ambulansya.

“HHHHHAAAAAAAIIIIIIILLLLLLEEEEEYYYYYYY!!!!”

Dali-dali akong nagtatakbo palabas ng bahay at sumakay sa motor kong si Uno at agad lumayo sa bahay namin. Kapag ganyang tumili na ng sobrang lakas iyang si Haisee mga nagliliparang gamit na ang kasunod nun kaya kung ayaw kong mabukulan ay dapat na akong lumayo sa kanya.

“Hailey mag-iingat ka” narinig ko pang bilin ni Mommy bago ako tuluyang lumayo sa bahay.

“Opo Ma…iloveyou!!!”

Ang lakas ng tawa ko habang nagmamaneho. Isinasabay ko sa ihip ng hangin ang tawang kanina pa gustong umalpas sa bibig ko.

Pikon na naman sakin yun si Haisee panigurado. Saksakan pa naman ng pikon yun at ako naman ay saksakan ng pang-asar. Sabi nga ni Daddy baka daw hindi ako makahinga sa loob ng isang araw kapag hindi ko inasar si Haisee.

By the way ako nga pala si Hailey. Hailey Dane Ibaviosa. 4th year college na ako sa kursong Computer Science. At yung babaeng inaasar ko kanina siya si Haisee. Ang kakambal ko.

Oo. May kakambal ako at siya yun. Kaso kumbaga sa kasabihan langis siya tubig naman ako. Hindi kami pwedeng pagsamahin. Or else maghahalo ang balat sa tinalupan.

Si Haisee siya yung tipong “perfect daughter”. Maganda, matalino, sweet at yung hindi nagbibigay ng sakit ng ulo sa magulang. Complete opposite naman niya ako. Ako yung pasaway, boyish at puro sakit ng ulo ang binibigay ko sa mommy ko sa tuwing mapapasama ako sa mga gulo. Kasalanan ko ba na lapitin ako ng away???

Hindi rin ako matalino pero hindi rin bobo. Yung sakto lang. Sakto lang na nakakapasa sa mga klase. Unlike Haisee na nung naghasik yata ng katalinuhan sa mundo ang Diyos eh sinalo na niya lahat. Imagine at the age of 20 eh may dalawang masterals degree na yang natapos??? Lagi kasing accelerated eh. Ewan ko ba hindi yata nagsasawa sa pag-aaral kaya hangang ngayon eh nag-aaral pa ulit siya. Ibang course naman.

Pero kung may lamang naman ako sa kanya yun ay pagdating sa sports. Lahat ng sports kaya kong laruin. Palibhasa boyish ako kaya kaya kong makipagsabayan sa mga larong para lang sa mga lalaki na madalas naming pagtalunan ng napakaarte at napakataray kong kakambal.

Napakataray nun kaya naman ilag ang mga lalaki na lumapit sa kanya. Samantalang ako sobrang close ko ang mga boys kasi kaya kong sabayan ang mga trip nila sa buhay.

One of the boys nga ang bansag sakin eh.

Daddy’s girl ako. Dahil nga dalawa lang kaming magkapatid ni Haisee at hindi na nagkaanak si mommy mula noon kaya sabik si Daddy sa anak na lalaki kaya nga okay lang sa kanya kahit na may pagkaboyish ako di tulad ni Mommy na sobrang disappointed sakin. Si daddy nga ang bumili nung motor kong si UNO nung 18th birthday ko. Mas pinili kong wag ng sumabay sa celebration ng debut namin ni Haisee dahil mamamatay yata ako kapag nagsuot ako ng gown at heels.

Si daddy din ang nagturo sakin ng pagmamaneho at pagkukumpuni ng sasakyan. Pero mas feel kong magmotor kesa magkotse. Mas accessible kasi eh.

Si mommy naman si Haisee ang favorite nun. Frustrated model kasi yun si Mommy kaya ginagawa niyang manekin si Haisee.

Simple lang ang buhay namin. Hindi kami sobrang yaman pero hindi rin kami mahirap. Operator ng taxi at talyer ang pinagkukuhanan namin ng kabuhayan. May mga taxi kami na pinapasada ng mga drivers at talyer kung saan ako madalas tumambay. Malapit lang siya sa bahay. Dun din ako natutong magkumpuni ng sasakyan.

Si Mommy naman isang dakilang maybahay. Kami lang nila daddy at Haisee ang inaasikaso niya buong buhay niya.

Sa sobrang paglipad ng utak ko na nakaabot na yata sa Antartika ay hindi ko namalayang nasa harap na pala ako ng school namin. Lumagpas pa ako ng konti kaya inatras ko nalang si UNO saka mabilis na pumasok sa loob ng school.

The Untitled Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon