Part II

50 3 0
                                    

Wriiten by: Rhapsody

Hailey POV

Hay bad trip naman talaga nakakatamad mag aral bakit kailangan pa kasi ng mga formula formula sa buhay. alam ko ang importante lang sa buhay ay kumain ng masarap matulog ng mahaba at mag drive kay Uno.

speaking of matulog late na nga pala akong nakatulog kakabasa ng komiks kaya heto ako hikab ng hikab.

“Psst Hailey kanina ka pa tinitingnan ng masama ni prof ano bang problema mo?”

Si Monching yun ka tropa ko.

Isang huwarang estudyante.

Huwaran stands for :

kopyahan ko pag exams,

tagagawa ko ng reports

at higit sa lahat ang super hero ko pag wala akong assignments at project.

oh dibah astig ang ka tropa ko.

“Subukan niya kong sitahin…siya magkakaproblema sakin pag ganitong inaantok ako at kulang ako sa tulog wag niyang dagdagan. ”

“Wow angas ni Hailey yan gusto namin sayo wala kang takot kaya nga nagtataka ako umabot ka ng 4th year?”

Si Billy naman yun. Isa ko pang tropa.

“Lul ka Billy inggit ka lang palibhasa isa lang itsura ng bituka natin pero ikaw 3 years ng 4th year. sana naman ngayong classmates na tayo grumaduate ka na.”

At dahil dun sabay sabay kaming nagkatawanan 

“Miss Ibaviosa konting respect naman pinababayaan na nga kita kahit alam kong kanina mo pa ko gustong tulugan tapos ngayon ikaw pa cause ng distractions. kung inaantok ka you can go out of this room now. ”

Ganun malaking epal talaga tong prof na to. minor subject lang naman nag pi-feeling major  subject. kung pwede lang tong bigyan ng isang malakas na pektus eh. palibhasa kasi matandang binata. kaya di nagka-asawa dahil ang sama ng FAB niya.

F-Face

A-Attitude

B-Breath

Oh diba buti nga sayo lord voldemort yun ang code name namin kay Prof.Zalasar

Tumayo na ko. napansin ko lahat nakatingin sakin. di naman sa pagmamayabang ang cool ng tingin sakin ng mga classmates ko kasi iba akong kumilos sa karaniwang babae lang.

Naalala ko ng nag debut kami ng kambal kong si Haisee di ako sumabay sa kanya ayoko kasi mag gown at heels. sobra akong allergic dun baka yun pa ang dahilan ng aking maagang pagpanaw dito sa mundong ibabaw.

Dun ko din natanggap ang “the best gift ever” ng buhay ko.  Si Uno. isang Harley Davidson angas no.

By the way balik tayo sa present tense tiningnan ko lang si Prof at nginitian ng ngiting nang aasar.

“Oh kayo wala kayong balak sumunod manlilibre ako sa yellow cab. bahala kayo.”

Nagulat ako ng tumayo sina Monching at  Billy mga walang hiya nakarinig lang na ililibre ko sila ng pizza sasama nga mga tukmol talaga.

Ang sama ng tingin samin ni Lord Voldemort ang cute pala nito pag galit mukhang galit na hipo.

“Sira ulo ka talaga Hailey. ikaw na!!! the best ka!!! pati paa ko taas sayo. ”

“Alam ko yan Billy ”

“Sigurado kang manlilibre ka Hailey? di ako magka cut ng klase para lang sa wala alam mo yan” sabi ni Monching.

“Oo. treat ko kayo tig dalawang family size tayong pizza tsaka carbonara at bottomless iced tea”

“Okay prof and classmate’s kita kits na lang tayo mamayang next subject bye guy’s”

Lumabas na kami ng room. lakas ng tawa ng dalawang tukmol.

Kaso papaliko pa lang ako sa hallway nakita ko na ang galit na galit na mukha ng kakambal ko.

Mukhang kahit harangan pa yun ng sibat ay susugurin niya ako. mabuti na lang at mukhang di pa niya ko nakita.

“Mga tsong talon tayo dito anjan yung anak ni zuma.”

“Anak ni zuma??”

“Peste naman Monching wag ng tanong ng tanong huling araw ko na to kapag naabutan ako ng kakambal ko.”

“Ikaw kasi sira ulo ka lagi mong pinagti tripan yung kakambal mong Beauty Queen.”

“Isa ka pa Billy oh sige ako na lang tatalon dito kita na lang tayo sa pizza hut ah oh sige una na ko”

At pagkasabi nun ay tumalon na ko. nasa second floor lang naman yung room namin at may babagsakan naman akong medyo malambot sa baba.

Akala mo Haisee magpapahuli ako ng buhay sayo never.!!!

Haaaaiiiiiiiiiiilllllleeeeeeyyyyyyyyy

“Haisee ”

Grabeh talaga makatili tong kakambal ko dapat dito sinasali sa Guinness Book of World Record Most Annoying tili.

Feeling ko tuloy ako si Luzy Liu sa ginawa ko.

Pagkatapos nun ay kitang kita ko si Haisee na nakatingin sakin mula sa second floor dinagdagan ko pa pang aasar sa kanya. kinawayan ko pa siya at nginitian sabay takbo sumakay ako kay Uno.

“Uno bilisan natin baka abutan ako ng anak ni Zuma .2 – 0 ang sarap talagang asarin ni Haisee Yung mga mokong kaya on the way na?? ah bahala na nga. ”

= = = = =

The Untitled Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon