Part III

41 3 0
                                    

Haisee Dean Ibaviosa POV

AAAARRRRGGGGHHHH!!!!

Kahit kelan talaga peste sa buhay ko yung Reptilya na yun!!!

Asar na asar ako. Sira na naman ang araw ko Thanks to my devilish twin sister.

Pinakealaman na naman kasi niya yung gamit ko ng hindi nagpapaalam eh. Itatago niya eh nalalaman ko din naman. Kung hindi ba naman kasi isat kalahating tanga papatayin yung monitor pero naka-on pa rin yung CPU. Adik talaga.!

Tapos ngayon tatakbuhan niya ako porket alam niyang may kasalanan siya sakin.

Hay naku magpasalamat talaga siya at hindi ko siya naabutan dahil kung hindi pati itim sa mata niya may latay! Sinaniban yata kasi yun ng sampung kabayo kaya napakabilis tumakbo. Hindi ko naman siya mahabol dahil ang taas ng heels ng shoes ko.

Magpasalamat ka talaga Hailey at kinakampihan ka pa rin ng mga kalahi mong reptilya.

Ako nga pala si Haisee. Oo, malamang nasiraan na ako sa inyo ng kakambal kong iyon. Kesyo ganito ako kesyo ganyan. Pero sino ba naman kasi ang hindi iinit ang ulo at masisiraan ng bait kung sa bawat araw na gigising ka at sa bawat araw na matutulog ka pepestehin ka ng reptilyang iyon? Mabuti nga at nasa matino pa ang isip ko eh dahil kung lagi ko siyang papatulan sa mga pang-aasar niya sakin baka sa Mental Hospital na ako pulutin.

Seriously speaking.

I’m Haisee Dean Ibaviosa. A Law student. Pangalawang course ko na ito actually. The first one is Banking and Finance. Then naka two masterals na ako in Management.

Kaya naisipan ko mag- Law dahil yun sa pasaway na kakambal ko dahil kung siya ang lagi kong makakasama kailangan kong magbaon ng sangkaterbang batas na pwedeng itapal sa kanya once na maisipan kong ipakulong ang reptilyang iyon. Pero dahil mabait pa din naman ako at kahit ayoko dahil kakambal ko siya yung mga minor cases lang ang isasampa ko sa kanyang demanda pagdating ng araw.

Aminado naman ako na pikon talaga akong tao. Basta ayoko kasi sa lahat yung inaasar ako and thankfully sa taglay kong katarayan walang nagtatangkang mang-asar at mang-inis sakin.

Ay hindi..

Meron pala.

Yung kakambal kong si Hailey.

Siya lang at wala ng iba ang may kakayahang sirain at pestehin ang araw ko.

Ay wait ulit…

Meron pa nga palang isa pa.

Pero dahil pesteng kulugo lang siya sa paningin ko ayoko na siyang banggitin. Saka na kapag medyo nawala yung asar ko kay Hailey. Saka ko na lalaitin at sisiraan yung kulugong iyon sa inyo.

Sa ngayon magfocus muna tayo sa frustrations ko sa buhay dahil sa kakambal ko.

Mas matanda sakin yan si Hailey ng mga let’s say…ahmm…5 minutes and 30 seconds. Yun ang interval ng paglabas niya sakin sa womb ni Mommy pero kung umasta yan akala mo daig pa ang isang 3 years old sa sobrang pagkaisip bata at kakulitan.

Kung gaano ako kaseryoso sa buhay ganun naman siya ka laid-back.

In short isa siyang dakilang tamad.

I always been serious in my life especially how I do things. I’m a very organized person kaya nga madali kong malalaman kung may nagalaw sa gamit ko. OC nga daw sabi ni Hailey.

Bata pa lang ako achiever na ako. A good daughter to my parents. Tama ng ang isang sakit ng ulo sa bahay namin. Ayoko ng dumagdag pa kay Hailey.

Ilag ang mga tao na lapitan ako. Siguro dahil ang tingin nila sakin ay “Nerd”. Well okay lang naman sakin yun eh. Puro plastic naman kasi sila. Mabibilang lang sa daliri ang matatawag kong kaibigan. Hindi tulad ni Hailey na buong populasyon yata ng University ay kakilala niya.

The Untitled Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon