Part IV

51 3 0
                                    

Haisee’s POV

Mga nakakalat na gamit. Mga balat ng chichiria at mga damit na basta nalang itinapon sa sahig. Animo may meeting ang mga ito at nag-umpukan sila sa gitna. Sobrang kalat ng kwarto. Pati nga yung kumot eh nagpapanggap ng basahan. Nainggit naman yata yung comforter dahil bumaba na din ito sa kama at nakijoin sa party sa sahig. Hindi na ako magtataka kung any minute from now ay may lalabas ng sawa o kung anu-ano pang hayop sa kwartong ito.

At ang salarin???

Ayun. Prenteng natutulog sa kama. Hindi alintana ang mga kalat sa loob ng silid.

Patingkayad akong lumapit sa kama. Kinuha ang unan na nakakalat sa sahig at inihampas sa natutulog na salarin.

“Hoy! Hailey! Gumising ka na daw sabi ni Mama”

“Ano ba?! Istorbo ka kita mo naman natutulog pa yung tao eh.”

Ayos ah?! Tignan mo itong taong ito.

“Saang lupalop ka na naman ba nagpunta kagabi at puyat na puyat ka.Bumangon ka na diyan at tinatawag ka na ni Mama.”

“Pakialam mo ba?!”

“Hay naku! Bahala ka sa buhay mo. Aalis na ako at hindi ko makayanang tignan ang NAPAKALINIS mong kwarto.”

Bumaba na ako at baka mamaya ay lumabas pa si Sadako sa kwartong iyon.

Sunday kaya nasa bahay lang kami.

Ayung si Hailey naggala na naman yun kagabi kaya puyat.

Naghahanda na ng almusal si Mama sa mesa ng datnan ko siya.

“Ma, si Papa?”

“Nandun sa talyer at nakikipagtagisan na naman yata ng talino sa mga constituents niya.”

Naging biruan na sa bahay na tawaging “constituents” ang mga kainuman ni Papa na pawang mga taxi driver namin.

“Tawagin mo na yung papa mo at kakain na tayo. Hailey!!!!! Bumangon ka na diyan.”

“Sige ma, tawagin ko lang si Papa.”

Ako na ang mabait na anak.

Tinawid ko lang yung likod ng bahay namin.

May shortcut kasi dun papuntang talyer at hindi ko na kailangang lumabas pa ng gate.

Naabutan ko si Papa na nakikipagkwentuhan sa mga tao dun.

hello Senyorita Haisee” sabay sabay na bati ng mga tauhan ni Papa.

“Hello din po sa inyo.” Nakangiting bati ko sa kanila. “ Mukhang mahalaga ang pinag-uusapan ninyo ah.”

“usap-usapan kasi ang pagbaba ng ekonomiya Senyorita. Natatakot kami na baka madamay kami sa tanggalan. Ang daming kumpanyang nagtatanggalan ngayon.” Sabi ni Mang Ambo. Ang pinakamatanda sa kanila.

“Naku naman Mang Ambo saan niyo naman nakuha yang ideya na iyan. Hindi kayo tatanggalin ni Daddy kasi love niya kayo. Diba Dad?”

“yun nga ang sinasabi ko sa kanila. Hindi naman tayo kasali dun dahil hindi naman naghihirap ang kumpanya natin.”

“Mabuti naman po kung ganun” sabay-sabay na sabi ng mga tauhan ni Papa at mukhang nakahinga na ng maluwag.

“saka hindi kayo pwedeng tanggalin ni Daddy kasi kapag may tinanggal sa inyo kahit isa hindi na ako magiging Senyorita. Kailangan pa naman pag Senyorita ka meron kang atleast twenty na tauhan.” Nakangiting biro ko sa kanila.

The Untitled Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon