Part V

42 3 1
                                    

Haisee Dean Ibaviosa POV

Saan ko nga ba unang nakita itong lalaking ito?

Three weeks ago…

Niyaya ako ng pinsan kong si Cecil na magspend ng weekend sa Subic dahil brokenhearted siya at kailangan daw niyang mag-unwind at dahil sobrang badtrip ako kay Hailey noon ay sumama ako sa kanya.

Pero mukhang hindi yata tama na sumama ako sa luka-luka kong pinsan dahil nung nasa Subic na kami wala akong ibang narinig sa kanya kundi reklamo at hinanaing tungkol sa boyfriend niyang taksil.

“I hate him. Mamatay na sana siya sana mabangga siya ng buldocer o di kaya ng tren o di kaya ng ten-wheeler truck tapos lumabas yung utak niyang wala namang laman at pati yung bituka niya.” Gigil na sabi ni Cecil.

“Cuz, hindi naman masyadong obvious na bitter ka niyan?”

“Ako? Bitter? Itong ganda kong ito? No way!”

“Well, ganun ang ginagawa mo. Saka Cuz, tanga lang ang taong mababangga ng buldocer, tren at ten wheeler truck dahil sa laki niyon at lakas ng busina niyon ewan ko lang kung di ka pa makaiwas noh.”

“Eh tanga naman talaga yung gago kong Ex-boyfriend eh. Biruin mo ipagpalit ba naman ako sa babaeng hipon?”

“Sexy kasi.”

“Kaya nga hipon eh. Tapon ulo katawan lang mapapakinabangan.”

“maniac yung boyfriend mo.”

“Talaga! Hayup na yun porket walang makuha sakin maghahanap ng iba.! Mamatay na sana sya.”

“Hay naku Cuz, tama na nga yang pagsesenti mo. Saka alam mo mas tanga ka kasi pumatol ka sa tanga eh.”

“Pinsan ba talaga kita?”

“Sa pagkakaalam ko”

“Ewan ko sayo. Imbes na dinadamayan mo ko sa pagdadalamhati ko pinapasama mo pa lalo loob ko.”

“Cuz, pinsan nga kita at dahil pinsan kita nagsasabi lang ako ng totoo. Tanga ka Cuz.”

“Sipain kaya kita dyan.”

“Kaasar ka naman kasi eh. Andito tayo sa isa sa pinakamagandang lugar na nakita ko para mag-enjoy pero anong ginagawa mo? Sinisira mo ang kagandahan ng lugar na ito.”

“Sana pala si Hailey nalang ang sinama ko.”

“Cuz, kung si Hailey ang sinama mo malamang sa byahe palang ubos na ang dugo mo sa kunsumisyon sa kanya. Saka baka mas matinding lait ang inabot mo dun. At least ako nadadamayan pa kita. Eh kung si Hailey yun baka sinagest pa nun na tumalon ka sa dagat.”

Bigla nalang tumayo ang pinsan ko.

“Ah basta makikita ng hayup kong EX na hindi siya kawalan sakin.”

“That’s my girl”

“Sige dyan ka na muna.” At naglakad na ito palayo.

“Hoy! Saan ka pupunta?”

“Maghahanap ng lalaki.”

Naiwan nalang akong mag-isang nakaupo sa buhanginan at pinagmasdan ang mga taong masayang lumalangoy.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 08, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Untitled Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon