HH - First Love

1K 4 2
                                    

Scenario:

- set at the Rivero Resort, the sun spikers crew, and Jason Rivero, having dinner. All looking worried over Patrick.

---Flashback, audition for the modeling competition...

Ella's POV...

Nagsisimula na ang audition para sa modeling competition. Memo kampante na ako na makakapasok kami ni Tammy. Tindig, porma, ayos lahat.. Shempre andito ang buong barkada para sumuporta..

Tapos na sina Tammy at Britney, Shempre sigurado kaming pasok silang dalawa.

Narinig kong humiyaw ang mga tao sa paligid.

Si number 8... Mukhang crowd favorite..

"Michelle..." rinig kong sabi ni Patrick. Pagkatingin ko sa kanya, halata ang pamumutla. Para Shang nakikita ng multo.

"kilala mo sha Trick?" pagtatanong nila Tikoy at Winston.

Hindi sila Sinagot ni Patrick. Sa halip Dali Dali nalang sha umalis. Napatingin ako sa gawi ng kuya Nya na si Jason at ni Tita Stella, halatang halata ang pag aalala nila Kay Patrick. Sino kaya si Michelle? At bakit ang laki laki ng epekto nya kay Patrick.

Natapos na ang audition pero Hindi pa rin namin nakikita ulit si Patrick. Nagpa iwan ang barkada at si Ms. Lisa, niyaya kasi kami nila Jason na mag dinner sa resort nila kasama ang ibang organizers ng program.

----end of flashback...

Kasama namin sa table si Jason, si Patrick? Hanggang ngayon Hindi pa rin sha bumabalik sa amin.

"Si Michelle ang first love ni Patrick. 13 palang sha noon, at 15 naman si Michelle, Sobrang minahal sha ni Patrick noon." - kwento ni Jason

"ex girlfriend ni Patrick yung Michelle? Tapos anong nangyari?" tanong ni Britney.

"Hindi, hindi. Para Kay Michelle, isang nakababatang kapatid si Patrick. Pero para Kay Patrick, more than a friend or a sister si Michelle. Minahal Nya talaga. Pero bigla nalang umalis si Michelle. Lumuwas papuntang Manila. After that, we never knew what happened to her. No communication, whatsoever. Now, I guess she's back" - Jason

"Kung ganon sha pala yung sinasabi ni Patrick noon. Yung babaeng Sobrang nanakit sa kanya" - Winston

"eh bomalabs naman pala tong babaeng to eh. Nasaktan tuloy tong bespren ko. Tapos ngayon babalik balik pa dito.." - Sabat naman ni Tikoy

Parang Hindi ko na kinakaya ang mga naririnig ko. Para bang ang sakit sakit sa puso isipin na nasasaktan si Patrick dahil Kay Michelle. Normal Lang Siguro dahil kaibigan ko sha. Nag excuse Muna ako sa kanila, sabi ko mag CR lang.

Nung papunta na ako sa restroom, nakita ko si Patrick sa may balcony, papalayo naman duon si Michelle, kakatapos Lang Siguro nilang mag usap. Kitang kita ko ang itsura ni Patrick. Malungkot, at halatang nasasaktan pa rin sha. Lumapit ako, gusto ko Shang I comfort.

"Patrick..." tawag ko sa kanya, Hindi sha kumibo.

"okay ka Lang ba? Hmm, obviously Hindi ka okay diba.." Hindi pa rin sha kumibo.

"basta Patrick, tandaan mo Lang na kahit anong mangyari andito lang ang buong barkada... Andito Lang ako para sayo, Kung may problema ka, wag kang mag atubiling magsabi sa akin o kaya sa barkada.."

Hindi pa rin sumasagot si Patrick. Hahawakan ko na sana sha, nang bigla naman Shang magsalita.

"Ella, Salamat ah. Pero... Gusto ko sana munang mapag isa ngayon."

Pagkatapos sabihin yun ni Patrick, sha na mismo ang umalis. Ako, naiwang nag iisip sa balcony. Bahala na Siguro. In time rin Siguro magkukwento na sha.

------------------------------

A/N:

Until here nalang Muna, I'll update nalang ulit tomorrow para sa kasunod na part ng story..

:p

Helping hand - ElRick (growing up) storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon