HH - The Argument

290 2 0
                                    

A/N:

Eto na Sha... mag aaway na talaga sila dito..

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------Ella's POV:

Buong gabi akong hindi naka tulog. Kakahintay na magreply si Patrick. Hindi ko alam kung bakit ko pa hinihintay yun. Alam kong masama pa rin ang loob ni Patrick dahil sa pagbabalik ni Michelle. Pero hindi naman nya kailangan idamay pati ako. Nag aalala lang naman ako. Bahala na nga sha.

Huling text ko na sa kanya ang "Matulog ka na Patrick". 3:45 am. Akala ko makaka tulog na ako dahil kahit papano nag reply na si Patrick kanina. Pero hindi, kaya ngayon eto ako, namumugto ang mata, malaki ang eyebags. Kanina pa rin ako kinukulit ni mommy, kung anong oras daw akong uuwi. Hindi pa nga ako nakaka alis pag uwi ko agad ang tinatanong.

Hindi ako makapag focus. Ang dami ko pang kailangan na materials para sa damit ni Tammy sa fashion show. Ang daming mali, hindi pa tapos ang umaga, nakaka walang gana na.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------Patrick's POV

Nakita ko si Ella sa isa sa mga veranda ng resort. Nag aayos ng gamit para siguro sa fashion show. Sha kasi ang mag dedesign ng damit ni Tammy. Nang makita ko ang mga mata nya, halatang wala pa shang tulog. Mugto, may eye bags, at halatang halata wala sa mood.

Alam ko na! *Kuha ng dahon, dahan dahang pumunta sa likod ni Ella, at kiniliti ang tenga gamit ang dahon*

"Ah!!! Patrick ano ba!!!"Tili ni Ella habang hinahampas ako.

"Grabe naman, makahampas ka naman Ella parang wala ng bukas ah" biro ko pa sa kanya. "Maiba ako Ella, may mga kailagan ka pa bang gamit para sa gagawin mong damit? Gusto mo punta tayo sa bayan, samahan kitang mamili?"Patrick

"Hindi na, marami pa akong ginagawa. Gusto ko rin muna sanang mapag isa. Tsaka, ikaw rin naman diba, gusto mo ring mapag isa? Gusto ko sana ikaw kausapin kahapon ayaw mo naman. Text ako ng text sayo, ayaw mo namang mag reply... Kaya wag nalang din." - Ella

Tila may kung anong kina tuwa ko dun sa nasabi ni Ella. Nag tampo agad.

"Grabe naman, hindi ka lang pinansin kahapon, nagtampururot ka na kaagad" Biro ko sa kanya sabay pisil ng ilong.

 "Eh ang kapal rin naman pala ng mukha mo eh. Ako nagtatampo, hindi kaya. Nakaka - inis ka na ah, napaka yabang mo. Hindi ka pa marunong magpahalaga sa nararamdaman ng iba. Kaya ka iniiwan ng mga babae eh..." - Ella. Mukhang natigilan sha sa huli nyang sinabi.

Kaya ka iniiwan ng mga babae... Ang sakit.. lalo na at sa kanya nanggaling. Umalis ako at iniwan ko sha, nakita ko sila Tikoy at Winston. Narinig nila ang away namin.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Ms. Lisa's house, Tikoy's POV

--------------

Andito kami ngayon sa bahay ni Ms. Ortega, UBE time para sa barkada.. haha, kaya lang may dalawang hindi nag uusap. Si Patrick at si Ella. Mukhang matinding away kanina ah. Kung sa bagay, alam ko naman kung gano kasakit kay Patrick yung sinabi ni Ella eh.. Haaay nako..mukhang may baback out sa panliligaw ah.

"Wooh! Grabe, pagkain, ang sarap. Oy Tammy o, kain ka pa." Aya ko kay Tammy na kunwari pang umaayaw. "Grabe Tammy ah.. Nahiya ka pa eh kanina ka pa kain na kain...hahahaha"

"Grabe naman Tikoy, pwede namang magpahinga muna diba..Kasi tignan mo naman ayan o, may dala dala pang bagong luto sina Miss." Sabat ni Tammy.

"Grabe, epic talaga Ms. Lisa pag dito ang buong team sa bahay mo. Perfect UBE" Nagsipag tawanan ang buong barkada.. pero tama naman ako eh.

"Ano nga ulit ibig sabihin ng UBE?" Ms. Lisa

"Ms.. Ultimate Barkada Experience... hahahahahah... pero maiba ako.." Napatingin ako kay Patrick, at nag apot ng manok. Alam ko kasi paborito nya yun eh. "Hoy Patrick wag ka ngang mag mukmok jan. Eto o, Manok.. paborito mo yan iba... Ano ang sarap no" Tumungo si Patrick at kumain ng tahimik pa rin

"Iba talaga pag si Ms. Lisa nagluto, napaka sarap. Punong puno ng pagmamahal.. diba Ms!"

"Ay nako Tikoy, maka bola ka talaga ah. Pero totoo man na puno ng pagmamahal yan kaya sobrang sarap, pero hindi ako ang nag luto nyan, Si Ella... Diba Ella ikaw nagluto nyan..." Napatingin kaming lahat kay Ella na tumungo naman. Biglang tinigil ni Patrick ang Pagkain, binalik sa pinggan yung manok, sabay lumabas ng bahay nila Ms. Lisa. Patay.. galit pa rin.

"O, anong nangyari? Nag away nanaman ba kayo ni Patrick, Ella?" Tanong ni Ms kay Ella

"Eh kasi naman po Ms. Lisa, ang yabang yabang po ni Patrick, akala mo kung sino..." Sagot ni Ella

"Eh ikaw rin naman kasi Ella, alam mo namang masakit kay Patrick yung ginawang pag iwan sa Kanya ni Michelle, ginatungan mo pa." - Ako

"Oo nga Ella, at isa pa, kahit ganun yun si Patrick, mapag biro, mapang asar, kahit kelan ba may natandaan kang hindi ka tinulungan nyan ni Patrick o naging masamang kaibigan ba yan sa'yo? Hindi naman diba.." Sabat ni Winston

Bakas na bakas sa mukha ni Ella. Alam nyang tama kami, at alam nyang dapat shang makipag ayos kay Patrick.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Ella's POV, still in Ms. Ortega's house

"Manong, asan ka na ba, bakit ang tagal mo?... Ah, ganon ba?... Sige Pakibilisan nalang po, gusto ko ng umuwi..." Kausap ni Patrick yung driver nya, nagpapasundo. Andito lang ako sa likod nya.

"Uhh, Patrick.." tawag ko. Humarap naman sha sa akin, pero hindi sha kumikibo. Galit pa rin.

"Patrick, sorry na oh. Nabigla lang naman ako eh. Hindi ko naman sinasadya yung mga sinabi ko kanina... Patrick?!"

Hindi pa rin sha nag salita. Palapit pa sana ako sa kanya, pero biglang bumusina yung driver nya. Hindi nag dalawang isip si Patrick. tumalikod sha at umalis. At ako, eto... naiwang nakatayo sa labas ng bahay ni Ms. Lisa.

Hindi ko alam kung anong meron. Pero damang dama ko. Ang sakit na hindi ako kinausap man lang ni Patrick. Na para bang walang halaga sa kanya ang pag hingi ko ng tawad. Ang sakit..

At dahan dahan, naramdaman ko nalang na may tumulong luha sa aking mga mata. Bakit? Bakit ako umiiyak. Bakit masakit?

Helping hand - ElRick (growing up) storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon