Ella's POV
Hindi ko alam kung bakit ako dito dinala ng mga paa ko.. Pero, sa tingin ko, tama naman ang desisyon ko na dito magpunta... Tahimik dahil gabi, wala masyadong tao. Playground nung resort ang una kong pinuntahan. Umupo lang ako sa may swing. May kung ano yatang sumapi sa akin at mas lalo pa akong umiyak nung napa upo ako dito sa swing.
Hindi ko alam kung anong oras na.. pero sobrang gabi na ata. May narinig akong papalapit pero hindi ko nalang pinansin. Umiiyak pa rin pala ako.
Patrick? Nasa harapan ko nga ba si Patrick? Hindi ko alam. Siguro imagination ko lang sha. Pero maya maya lang, lumuhod sha sa harapan ko. Dahan dahang inilagay yung kamay sa may kaliwang pisngi ko, yung kaliwa naman nyang kamay naka hawak sa kanang kamay ko..
"Ella..."
Ramdam kong pinupunasan nya ang luha ko... Totoo sha kung ganun, hindi lang sha imagination..
"Patrick..." Pagkasabing pagkasabi ko ng pangalan nya, naramdaman ko lahat ng sakit ng araw na to. Ang away naming dalawa.. ang hindi nya pag pansin sa akin, ang pag aaway namin ni mama.
Mas lalo akong naiyak.. Wala na akong paki alam kung baka asarin ako ni Patrick. Pero alam ko namang hindi nya yun gagawin.. At dahan dahan, naramdaman ko nalang na inilalagay nya ang ulo ko sa kanang balikat nya... At hinayaan nya lang akong umiyak.
"Sige lang Ella, iiyak mo lang yan.. Andito lang ako. Ilabas mo lang lahat ng sama ng loob mo..ssshhh..." Sabi ni Patrick..
Naramdaman kong dahan dahan kaming tumayo. Pero ganun pa rin, nakapatong pa rin ang ulo ko sa balikat ni Patrick, at hinahayaan nya pa rin akong umiyak. Hindi nalang hawak ni Patrick ang kamay ko, pero hinahagod nya ang likod ko
Pahina na ng pahina ang pag iyak ko, at nang tuluyan ng matapos ang pag iyak ko iniangat na ni Patrick ang mukha ko. Inilagay nya ang noo nya sa noo ko. Nakapikit.. bigla nalang shang nagsalita..
"Pinag-alala mo ko Ella.. Alam mo ba yun? Akala ko kung ano ng nangyari sayo..." Magsisimula nanaman sana akong umiyak, pero pinigilan nya ako, sa halip ay pina upo nya ako ulit sa swing. Nakapwesto pa rin sha sa harapan ko, at tinanong nya ako kung anong nangyari.. At duon nga ay naikwento ko sa kanya kung ano ang pinag awayan namin ni mama.
"Alam mo, Ella.. hindi naman sa kinakampihan ko ang mommy mo.. Pero sana, hindi ka muna tumakbo. Hinayaan mo man lang shang mag explain. Kahit pa sa tingin mo ay may tama ka, o nasa lugar ka, dapat nag usap pa rin kayo ni Tita Isabel. Tignan mo tuloy, ngayon andito ka, maraming naghanap sayo, maraming nag alala nung sinabi ni Tita Isabel na nawawala ka daw..."
Nag lalakad na kami ngayon.. At kahit na pinag sasabihan ako ni Patrick dahil sa nagawa kong biglaang pag takbo, hindi ko magawang magalit sa kanya. Dahil alam kong tama sha. Sa halip, na iyak nanaman ako. Hindi na ako nakasabay sa paglalakad nya, hindi rin ata nya napansin na wala na ako sa likod nya.
"Sorry..." Naisigaw ko bigla, habang umiiyak
"Sorry kasi naabala ko kayo... Sorry kasi nag alala kayo sa akin.. Sorry kasi pati kayo nadamay..Sorry... Sorry Patrick...Sorry kasi nasaktan kita kanina.. hindi ko dapat sinabi yung kay Michelle... wala akong karapatan na ipamukha yun sayo..Sorry.."
Paulit ulit kong nasabi ang salitang sorry.. Iyak na ako ng iyak nito..Hindi ko namalayan ang pag takbo ni Patrick sa harapan ko. Mas lalo kong ikinagulat... Ang biglaan nyang pag halik sa noo ko, at pag hila sa akin at yakap sa akin...
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- A/N:
Dahil nagmamadali ako...hanggang dito nalang muna.. ehehehe
ABANGAN!!! :P
BINABASA MO ANG
Helping hand - ElRick (growing up) story
FanfictionWell, since I am kind of a KathNiel fan, which started during their growing up days, of course I'd like to offer my first story here on wattpad to all the other KathNiel fans here.. Hahaha Anywaaaaay, this story is a different twist on their "tampuh...