Ella's POV
Umabot ng halos isang oras ang pag uwi ko galing kanila Ms Lisa. Usually naman, ilang minuto lang, nasa bahay na ako, pero ngayon, kung saan saan pa ako dinala ng mga paa ko. Mas napatagal pa tuloy ako.
Bukas na ang ilaw sa bahay, andito na si mommy. Maingay, may kasama sha? Mukhang galit na lalaki, ang lakas ng sigaw...
"I am telling you Isabel, that's my final offer, It's either you take it or I'm gone!" Sigaw ng lalaki. sino ba to? Ang kapal naman ng mukha nya para sigawan si mama sa sarili naming pamamahay
"But, John, I have a daughter... Wha.." Pinutol nung lalaki si mama
"I don't care if you have a daughter Isabel, just leave her..."
"EH ANG KAPAL RIN NAMAN PALA NG MUKHA MO EH NO!! SINO KA PARA SABIHIN SA NANAY KO NA IWAN AKO HA!" Sigaw ko dun sa kausap nya. Amerikanong lalaki
"Ella! sandali lang wag mo shang sigawan" Suway ni mama.
"Unbelievable... you're seriously unbelievable, Ma..." Pagkatapos kong sabihin yun, umalis nalang ulit ako sa bahay. San ako pupunta? hindi ko alam. Bahala na si Batman!
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
10:30 pm, Rivero Residence, Patrick's POV
Presko, ang sarap talagang maligo sa gabi. Kahit papano napawala ang init ng ulo ko. Pero kahit ganun pa man, hindi ko pa rin magawang magtext kay Ella. Masakit pa rin. Ayoko pa rin shang kausapin. Bahala na...
Kinuha ko ang phone ko, may nag message kasi...
Time: 10:15 pm
From: Tammy Magtoto
Message: [Group] Guys... SOS... tumawag si Tita Isabel sa akin. May misunderstanding nanaman sila ni Ella, umalis daw si Ella kanina hanggang ngayon hindi pa umuuwi.. nag aalala na.. akala nga nya andito sa bahay. Guys hanapin natin si Ella
"Anak nang..." Dali dali kong tinawagan si Tammy
"Tammy (...) Anong nangyari, nasan si Ella? (...) Hindi ko rin alam kung nasan sha, pano na? (...) O sige sige, maghahanap din ako, magbibihis lang ako tapos aalis na. (...) Sige, balitaan nyo nalang din ako."
Pagkatapos ng pag uusap namin na yun ni Tammy, dali dali akong nagbihis, kung ano nalang ang una kong makuhang T-shirt at pantalon, yun na.
Tumakbo na ako kaagad sa baba. Palabas na sana ako kaso... "Patrick? San ka pupunta? Gabing gabi na ah.." Si Daddy kadadating lang din...
"Dad.. Eh kasi po.. Dad, si Ella nawawala. Nag away daw po sila ni Tita Isabel, hanggang ngayon hindi pa umuuwi.. sige na Dad, please payagan nyo ko na tumulong sa pag hahanap." Pumayag na si daddy. Nagulat pa nga ako at inabot yung susi sa akin
"Dad?"
"Hindi naman ako papayag na aalis ka ng ganitong oras at maglalakad ka lang. Isa pa mas mabilis mong makikita si Ella kung may sasakyan ka. Wala na si Manong para ipag drive ka, ikaw na ang bahala."
"Yes, dad.. Thank you..."
"One more thing Patrick...Be careful with your driving, alam ko you need to hurry, but it's late already, hindi ka pa ganun kasanay mag drive. Balitaan mo nalang din ako kapag nakita mo na si Ella.."
Tumango nalang ako, and with that, dali daling umalis
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- Time: 11:50 am, still Patrick's POV
11:50 am.. yan ang oras nung tumingin ulit ako. Halos isang oras na akong nag iikot ikot dito village namin, hindi ko pa rin nakikita si Ella. Kung san san na ako nag hanap. Sa tambayan, sa school, sa park malapit sa bahay nila. Wala pa rin balita sila Tammy.. Kahit si Ms Lisa naghahanap din. Hindi pa rin daw umuuwi si Ella sa Kanila sabi ni Tita Isabel..
"Aaaaaaaaaaaaaaaaaaah!!!! ELLA NASAAN KA BA!!?!?!!?!" sigaw ko sa kotse, baka mamaya kung ano na nangyari sa kanya.
Papunta na ako sa resort namin, hindi ko alam kung anong meron, pero dun ako dinadala ng isip ko, ng pagmamaneho ko, ng...
..ng puso ko..
Mayroong mini park at playground sa loob ng resort. sana.. SANA nanduon sha. Pagkatapos ko mag park, dali dali akong tumakbo papunta dun sa playground.
Malapit na ako sa playground.. at may naaaninag akong anino.. ayun..sa may swing.. may tao sa swing...tumalon ang puso ko ng makita ko kung sino yung babae sa swing.
"Ella..." Mahina kong sabi...
Si Ella nga yung nasa swing... Si Ella.. Umiiyak
Tinawagan ko si Tammy at sinabing andito si Ella.. Nasabihan ko na rin si papa at si Tita Isabel, sinabi ko na ako nalang ang bahalang maghatid kay Ella, pero pakakalmahin ko muna. Pumayag naman si Tita Isabel. Pero sila Tammy, sabi pupunta pa rin dito sa resort.
Pinuntahan ko na si Ella... tulala sha.. hindi ako pinapansin, na para bang hindi nya alam na nanduon ako. Lumuhod ako sa harapan nya.. umiiyak pa rin sha, tulala
BINABASA MO ANG
Helping hand - ElRick (growing up) story
FanfictionWell, since I am kind of a KathNiel fan, which started during their growing up days, of course I'd like to offer my first story here on wattpad to all the other KathNiel fans here.. Hahaha Anywaaaaay, this story is a different twist on their "tampuh...