1:00 pm, yan ang basa ko sa orasan dito sa kwarto.. Sa tingin ko hinayaan nalang ako ni mama matulog ngayon. Sabado naman eh. Ang totoo, kanina pa ako gising. Hindi ko lang magawang tumayo. Dahil paulit ulit ang nasa isipan ko...
Ang mga nangyari nung kasama ko si Patrick bago nya ako hinatid sa bahay.
--------------------------------------------------FLASHBACK------------------------------------------------------------------------
Ella's POV
Hindi ko napansin ang biglaang pag takbo ni Patrick sa harapan ko. Isang banda, naibuhos ko lahat ng gusto kong sabihin sa kanya. Ang pag hingi ko ng tawad dahil nasaktan ko sha tungkol kay Michelle...
Ang paghalik nya sa noo ko... ang yakap nya.. ang pag hawak nya sa mga kamay ko.. hindi ito mawala sa isip ko.. humiwalay sha sa pagkakayakap sa akin, at ipinatong ang noo nya sa noo ko. Ang kanang kamay nya nilagay sa kaliwang pisngi ko, habang ang isa naman ay naka hawak pa rin sa kamay ko... pikit ang mga mata nya...
"Ella.. Ella... Alam mo ba..na kahit ilang beses man akong masaktan... Ilang beses mo man akong ipagtabuyan... kung sabihin mo biglang kailangan mo ako.. kahit anong oras..kahit saang lugar.. kahit anong dilubyo, iiwasan ko... makarating lang ako sa tabi mo... hinding hindi kita iiwan. Oo, nasaktan ako sa mga sinabi mo... Pero yung isipin pa lang na baka kung anong pwedeng mangyari sayo... mas nasaktan ako...dahil hindi ko kayang makita o isipin man lang na nasasaktan ka..."
Mga salitang to... nanggaling kay Patrick... hindi ko alam pero napa luha ako...inilayo ko ang ulo ko sa kanya...hinawakan ang kamay nya na nasa pisngi ko..
"Bakit Patrick?..." Tanong ko..Pero hindi ko alam kung anong ine-expect kong sasagutin nya...yun ba yun? May gusto nga ba akong marinig na sagot galing sa kanya?
Si Patrick... Tumitig sha sa akin...napapansin ko na parang papalapit pa rin ang mukha ni Patrick sa akin. Hindi ko maiwasan, pero... parang...ang labi ni Patrick.. papalapit ng papalapit...sa mga labi ko...
"Dahil mahal kita..." bigkas nya..at pagkatapos nito ay ang pag dampi ng labi nya sa akin...
--------------------------------------------END OF FLASHBACK-------------------------------------------------------------
Napa hawak ako sa labi ko dahil sa ala-ala.. ilang oras rin akong nagpa-ikot ng nag pa-ikot sa kama ko..bago ako makatulog..at ngayon na nagising ako..
"aaaaahhhh" tili ko habang may naka patong na unan sa bibig ko...Biglaan namang pumasok si mama..na nagulat...inabutan nya ata ang pag tili ko sa likod ng unan.
Nagka - ayos na nga rin pala kami ni mama...inexplain nya sa akin kung sino yung kano kagabi... ex boyfriend nya na nag pupumilit makipag balikan..pero ayaw akong isama sa kanila... Sorry nalang sha dahil mas mahal naman ako ni mama no...
"Nak... bakit ka tumili sa unan..at namumula ka ata...at hindi ata mawala ang ngiti mo jan sa labi mo..." maraming tanong si mama...pero di pa man ako nakaka sagot sa isa sa mga tanong nya...nanlaki ang mga mata nya at biglaang napa OMG face..
"Oh my God, nak... Don't tell me..nagpropose si Patrick kagabi!?!?" Mga mata ko naman ang nanlaki ngayon. Hindi ako makapag salita.. paanong...
"Hay nako, Ella.. Alam mo, matagal ko naman ng napapansin yang Patrick na yan eh. I knew he likes you...and besides... maging kayo man, at least diba, away man kayo ng away, magkaibigan pa rin ang sinimulan ninyo...Ano kayo ba?" Pang aasar ni mama...ano ba naman to si mama...
"Grabe naman ma.. umamin lang, kami agad? di ba pwedeng hindi pa?... ...Pero ma...kasi po..HINDI KO ALAM MA!!!!" Totoo naman ang sinasabi ko... hindi ko talaga alam kung ano ng mangyayari.. ang alam ko lang..umamin si Patrick..eh ako...hindi ko alam...gusto ko rin ba sha?
BINABASA MO ANG
Helping hand - ElRick (growing up) story
FanfictionWell, since I am kind of a KathNiel fan, which started during their growing up days, of course I'd like to offer my first story here on wattpad to all the other KathNiel fans here.. Hahaha Anywaaaaay, this story is a different twist on their "tampuh...