Chapter 10

27.8K 606 43
                                    

Omaygahd. Update is here! It's a little bit shorter than usual but I wanted to end the chapter here. Comments please? Thanksies! :*

-----------------------------------------

AJ’s POV

“Bakit hindi ka sumama kanina? Alam mo bang kaya ko niyaya yung kuya mo at ipinilit na isama ka kasi gusto kitang makasama?” Tanong ko sa kanya. Halatang hindi siya mapakali dahil sa naging tanong ko. Alam ko naman na masyadong straightforward ang tanong ko pero kung hindi ko pa siya didiretsuhin, baka lalong walang kahinatnan ‘tong ginagawa ko.

“H-ha? W-wag ka nga.” Nauutal niyang sagot sa akin.

“Seryoso ako Lauryn. Sa ganoong paraan ko pa lang kasi kayang makasama ka ng hindi nagtataka si Liam. Pero wala e. Inindian mo ako.” Sagot ko naman sa kanya. Alam ko mukha lang akong babae kung magtampo pero wala na ba akong karapatan para maramdaman ‘yon?

“Bakit mo ba kasi gusto na makasama ako?”

“Sigurado ka bang gusto mong marinig ang sagot ko?” Tanong ko kay Lauryn. Sa totoo lang, kahit na ako ay hindi sigurado kung kaya ko nga ba talagang sabihin ang sagot sa tanong niya sa akin. Kaso naisip kong ito na lang yata ang natitirang pagkakataon para masabi ko sa kanya ang totoong nararamdaman ko.

Ang hirap na rin kasing magmasid na lang sa tabi. Ang hirap na hindi ko maipakita sa kanya ang totoong ako. Ayaw kong isipin niya na nandito lang ako para lagi siyang asarin o inisin. Hindi naman iyon ang gusto kong mangyari e. Kaso ano nga ba ang maaasahan mo sa isang lalaking nagkagusto sa kapatid ng bestfriend niya? Oo. Gusto ko si Lauryn. Matagal ko na talaga siyang gusto kaso wala e. Nauubos ang lahat ng tapang ko sa katawan dahil sa laki ng takot ko na masira ang pagkakaibigan namin ni Liam kapag nalaman niyang may gusto ako sa kapatid niya.

Alam ko napaka-walang kwenta ng dahilan ko kung bakit hindi ko magawang umamin kay Lauryn pero ano ba ang magagawa ko? Nakakatakot naman talaga kasing sumubok e. Kahit na niloloko kami ng mga magulang nila na bagay kami ni Lauryn, hindi pa rin naman ako pwedeng sumugod na lang ng basta basta.

“W-wag mo na lang sagutin yung tanong ko.” Sagot niya sa akin na siyang sinabayan niya ng pagyuko. Alam kong gusto niya lang iwasan ang tingin ko sa kanya pero hinayaan ko na lang siya.

“Lauryn, nandito na tayo e. Pakinggan mo naman ako o.” Pagmamakaawa ko sa kanya. Kailangan ko na talagang gawin ‘to ngayon. Baka kasi kapag ipinagpaliban ko pa, maunahan na naman ako ng kaba.

“Lauryn, gusto kita. Matagal na.

 

Kat’s POV

 

“Lauryn, gusto kita. Matagal na. Sabi niya sa akin. Hindi ko alam kung niloloko niya lang ba ako o nagsasabi ba talaga siya ng totoo. Gusto ko man siyang tignan sa mga mata para malaman ko kung nanti-trip na naman ba siya, hindi ko naman magawa. Masyado na rin kasi akong naiilang sa presence niya e. One thing’s for sure though – biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko dahil sa sinabi niya.

Moving Into My Brother's HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon