Sorry sobrang tagal bago ako nagupdate ulit. Sobrang busy lang talaga. Huhu. Maikli lang yung chapter na 'to. Wala ring proofreading. Sa phone ko lang siya ginawa. Thank you sa lahat ng nagbabasa. Yay! *group hug*
======================
"Saan ka?" Tanong ni kuya the moment I answered his call. Hindi ko alam kung bakit pero parang pinagsisishan ko na sinagot ko pa yung tawag niya
"Coffee shop sa Tagaytay. Pupunta dapat kami ng Sky Ranch kaso umulan e. Nagpapalipas na lang muna kami ng oras dito. Baka umuwi na rin kami in a while." Dire-diretso kong sagot kay kuya.
"Tinanong ko lang kung nasaan ka kung anu-ano na yung pinagsasasabi mo." Oops. Sorry, pahiya. I mentally slapped myself for being so defensive. Kasi naman e. Nakakatakot yung pwedeng maging reaction ni kuya tungkol dito. Hindi ko alam kung ano yung sinabi ni AJ kaya napapayag niya si kuya para sa "date" na 'to kaya nakakakaba pa rin talaga.
"Sorry, nadala lang." I heard kuya chuckle from the other line. I really do think that he's enjoying this moment right now. Minsan lang ako magkanito so this must be a milestone for him.
"Kamusta naman diyan?" He asked. Napaisip ako kung ano ba ang dapat kong isagot sa kanya. I wanted to tell the truth but I also wanted to be safe. Baka kasi hindi na maulit yung ganito kapag nagkamali ako ng sagot sa kanya e.
"Hmm. Okay naman. I was really relieved na hindi kami natuloy sa Sky Ranch. I don't think I could handle it. Alam mo namang takot ako doon di ba? Saka I already rode a freakin horse! Hindi pa ba sapat yun?! But you know what, I have to say that I'm glad this happened. Yes, it's still kind of awkward pero it's making me realize a lot of things. It made me experience things that I thought I wouldn't dare to do. It's crazy but it's worth it. Oh my god. Am I making sense?" I babbled and I didn't get a response from kuya. Nanahimik lang siya bigla. Shet. May nasabi ba akong mali?
"Kuya? Still there?" I asked when a couple of minutes have passed.
"Yep. Still here. Ingat kayo pag-uwi okay? Wag ka masyadong magpasaway."
"Kailan ba ako naging pasaway?" I challenged him.
"Do I really need to enumerate every scenario?" He answered back and I could imagine a smirk forming in hid face right now. The heck. Talo na naman ako sa kanya.
"Ugh. Whatever! I'll text you na lang kapag pabalik na kami ng Manila. Bye!" Sagot ko then I ended the call. Gosh. What did I do deserve this kind of treatment?! Pasalamat talaga 'tong si kuya na siya lang ang kapatid ko. Dahil kung hindi, umasa siyang hindi ko na siya papansinin ever!
From: Kuya
We still have to talk when you get home.
I'm serious.
My heart stopped beating pagkabasa ko sa text ni kuya. Akala ko ba okay na? Bakit biglang may ganito pa? Wala lang bang choice si kuya kaya siya pumayag sa ganitong set-up? Ano ba talaga kasi yung napag-usapan nila ni AJ? Ugh. This is so frustrating!
Ang sama pa rin ng tingin ko sa phone ko, thinking of what should I say to kuya when I get home kaya hindi ko man lang napansin na nakabalik na pala si AJ with our orders. He placed the tray on the table and he gave me my drink.
"Okay ka lang? If looks could burn, matagal ng naging abo 'yang cellphone mo."
"H-ha? Oo naman. Okay ako. Why wouldn't I be okay? Cancelled naman na yung Sky Ranch trip natin di ba?"
"I dunno. You tell me. Bakit ka nga ba hindi magiging okay? Right now, I could only think of two reasons. One, you didn't like this trip at all. Or two, may sinabi sa'yo yung kuya mo." My jaw literally dropped upon hearing his words.
BINABASA MO ANG
Moving Into My Brother's House
Fiksi RemajaAfter getting kicked out from her dorm, Kat moves into her twin brother's house where she finds herself dealing with AJ, his brother's best friend...and her worst enemy. But with the two of them spending more time together, can Kat finally be able t...