Short update but I wanted the chapter to end this way. Bitin pa more! Hahahaha.
===========================================
I woke up with a freakin' headache. These past few days, hindi ako makatulog nang maayos. All that I could think of is kung paano ba dapat ayusin ang sitwasyon namin ni AJ at ng kapatid ko. Yes, I know I shouldn't be the one doing all of the thinking but I'm going crazy because of this. Hindi ko alam kung tutulungan ko ba muna sina kuya at Nicole o tutulungan ko ang sarili ko. Aish. Why does love have to be so complicated?
"Kuya!" I shouted at the top of my lungs. Hindi na kasi umuubra kay kuya ang simpleng pakiusap ngayon. Lahat, kailangang may kapalit o kaya naman ay may pananakot. Ever since AJ left the house, nagkaganito na siya. I don't know if it's just sepanx or he really has a problem that he didn't want to tell me.
"Ano na naman ba ang kailangan mo?" He asked, annoyance evident in his voice and face. I had to stop myself from laughing or he wouldn't follow my orders at all.
"Can you get me a glass of water? Please?" I told him and his eyes are flaring up. Sobrang obvious na galit na siya dahil sa mga kalokohan ko.
"You called me para lang sa isang basong tubig?! Seriously Lauryn Katreena. You've got to be kidding me."
"Matter of life and death kaya 'to! Nahirinan ako kuya! Kailangan ko ng tubig!"
"Dala lang yan ng katakawan mo! Bumaba ka nga sa kusina!" Sigaw niya sa akin sabay labas ng kwarto ko. Langya. Kahit katiting man lang na concern, walang ipinakita si kuya. Ganun ba talaga? Kapag walang love life, pati concern sa kapatid mo, nawawala? Bakit ako, hindi naman ganun?
Feeling frustrated from my brother's lack of concern, lumabas na nga ako ng kwarto at kumuha ng baso ng tubig. Lulunukin ko pa lang sana yung nilagok kong tubig nung may nakita akong kausap si kuya sa may sala. At pakshet na buhay yan! Naibuga ko yung tubig na ininom ko!
"Anong ginagawa mo dito?!" Sigaw ko sa kausap ni kuya. Napatigil silang dalawa sa pag-uusap at halatang hindi nila alam kung paano sasagutin ang tanong ko. As far as I know, hindi naman sila close e. So anong ginagawa niya sa bahay ni kuya?
"Let me explain."
"Explain? Wow, big word! Sige nga. Anong explanation ang iimbentuhin niyo ha?" Hindi ko napigilan ang sarili ko na sabihin ang mga 'yon. Right now, I feel betrayed, big time. What's worse is yung dalawang tao pa na pinagkakatiwalaan ko ang gagawa nun sa akin.
"Kat, please hear me out." Pagmamakaawa ni Nicole.
"For what? Sasabihin mo bang ikaw na ang nanliligaw sa kapatid ko? Kung hindi yun ang sasabihin mo, makakaalis ka na." I answered her, trying my best to stifle my laughter. Their expressions are just priceless. Nakanganga lang silang dalawa ni kuya at nanlalaki pa ang mga mata.
"What now? I'm waiting."
"Kat, umayos ka nga!" Paninita sa akin ni kuya. Tinignan ko lang siya nang masama. Kainis naman talaga 'tong kakambal ko na 'to o. Kaya walang pag-asa sa love life 'to e. Masyadong seryoso sa buhay. Ayaw man lang mag-loosen up samantalang yung mga turnilyo niya sa utak, puro loose na. Tsk.
BINABASA MO ANG
Moving Into My Brother's House
Genç KurguAfter getting kicked out from her dorm, Kat moves into her twin brother's house where she finds herself dealing with AJ, his brother's best friend...and her worst enemy. But with the two of them spending more time together, can Kat finally be able t...