Teaser

9.7K 164 4
                                    

Dahan-dahang binuksan ni Raffy ang main door para huwag malalikha ng ingay. Papasok siya sa sala ng mapatigil siya. May tao sa sala, si Nico at matalim ang mga titig sa kanya. "What really are you, Raffy? Are you in disguise? "

Lumakad itong palapit sa kanya. Tigalgal si Raffy, di makapagsalita. "Tell me the truth! "

Nakita ni Nico ang pagkagulat ni Raffy. Nakatingin ito sa kanya. Mahigpit ang hawak niya sa braso nito. "Tell me!" Matigas na utos niya.

Nabitiwan ni Raffy ang hawak na tuwalyang nakapulupot sa kanyang katawan. Nalaglag ito at tumambad kay Nico ang buong alindog ni Raffy.

Unti-unting lumuwag ang kawak ni Nico sa braso ni Raffy. Para siyang namagnet ng magtama ang kanilang mga mata. "Raffy, you're so beautiful. " Mahinang sambit ng binata. Kinulong ng dalawa niyang palad ang mukha nito. Unti-unting hinanap ng labi niya ang labi nito.

Parang tinamaan ng libo-libong boltahe ng kuryente si Nico ng maglapat ang kanilang mga labi. Siniil niya ng halik ang mga labi ni Raffy at matagal na naghinang. Naramdaman niya ang pagtugon nito. Hinapit ng binata ang bewang nito at ang mga labi ay naging mapusok at mapaghanap.

Tuluyan na silang nadarang. Bawat halik at haplos ay nagdudulot ng kakaibang sensasyon na gumagapang sa buong katawan. "I love you Nico. I always will. " Mga katagang namutawi sa labi ni Raffy. Mga katagang ngayon lang niya uli nasabi sa lalaking minahal niya mula pagkabata.

*****

This is my first story actually. I myself found so many flaws but I'm trying to edit this as possible.

If you liked the story, please vote or comment.

So readers, let me know your comments because I want to improve my works.

Thanks.

bluemama-pilipinas ;)

My Personal Assistant (Precious Alex)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon