9:30am, traffic papasok sa JM Megamall. Dugtong-dugtong ang mga sasakyan papasok ng mall parking area maliban pa sa mga taong bumubuhos papuntang mall entrance.
Sa loob ng sasakyan nakaupo si Martin Grey, sikat na hunk singer at actor. Nakangiting nagmamasid sa mahabang pila ng mga taong papasok sa mall, karamihan mga young adults.
Napatingin siya sa paghinto ng isang pink motorbike sa tapat ng puwesto niya, babae ang sakay. May helmet ang babae, nakataas ang visor kaya kita nya ang side view ng mukha ng babae.
Pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan ng babaeng sakay ng motorbike. 'Maganda siya, matangos ang ilong, pinkish cheeks and long hair.' Fitted denim jeans at shirt ang suot nito. 'Wow! Sexy body'. Papuri ng isip niya sa babae. Napadako ang mata niya sa sticker ng motorbike, red heart shape at may nakasulat sa loob at binasa niya ito. 'Nico & Alex?' Napakunot noo siya. Biglang may bumalik sa kanyang alaala.
Biglang humarurot ang motor, go na pala. Sinundan niya ito ng tingin pero mabilis na nawala sa kanyang paningin.
"At last, go na." Sabi ni Tony, manager ni Nico, katabi ng driver. "Natalie is already there, we only have twenty minutes to get ready. Mart, MarLie fans are there, you and Natalie will have an autograph signing after the movie show." Habilin ng manager sa kanya. Premier showing ng movie nila ni Natalie. "We also have dinner with Bamboo Records Executives tonight for your upcoming album." Dugtong na paalaala ni Tony.
"Yes Tito Tony." si Tony ang manager niya since his showbiz career started kaya parang ama na ang turing nya dito.
Siya si Nicolo Martin Portman, aka Martin Grey sa showbiz at Nico naman sa mga kamag-anak at malalapit na kaibigan. American- Australian ang Dad niya at pinay naman ang Mom niya. Namana ni Nico sa ama ang kanyang physical features at kutis naman sa kanyang ina. Siya ay Pinoy version ni Brad Pitt, 6 feet ang height at may matipunong pangangatawan. Produkto siya ng singing search na Pilipinas Idol noong 15 years old siya, runner up lang siya pero dahil sa kanyang physical features ay nagkaroon ng puwang sa showbiz .
Sigawan ang mga fans ng mag martsa sila Martin at Natalie papasok ng theater. "MarLie..! MarLie..!" Habang panay ang kaway ng dalawa sa mga fans. Box office na naman ang movie nila.
Si Natalie Cruise, may dugong Korean at Pilipino, sexy at maganda. Siya ang perennial partner ni Martin Grey sa pelikula dahil click ang team up nila.
Past 12 midnight nakauwi ng condo sina Martin. Masyadong exhausting ang araw na ito sa kanya. "Huh, very tiring day." Komento ng binata sabay salampak sa couch at nahiga.
"Kuya Saj, what is my schedule for tomorrow? " Nakapikit na ang mata sa sobrang antok.
Si Saj ang personal assistant niya since his showbiz career started. Pinsan niya ito at dating Messenger. Triple ang in-offer na sahod ng Mom niya dito para maging P. A. Ang totoo hindi lang ito P.A. dahil sa condo niya ito nakatira. P.A. con yayo ito sa kanya dahil ito rin ang tagahanda ng personal niyang kailangan. At alam din nito ang personal niyang buhay.
"May photo shoot kayo ni Natalie bukas ng alas otso" Sagot ni Saj na ipinapasok ang mga bitbit na gamit sa kuwarto.
"Too early." Komento ni Nico habang humihikab, nakapikit at hinihilot ang noo.
"Sige pahinga ka na, good night". Sabi ni Saj ng lumabas sa kuwarto ng binata.
"Good morning." Pagtatama ni Nico at pumasok sa kanyang room. Hinahatak na talaga ng antok ang mga mata nya.
Ibinagsak ng binata sa malambot na kutson ang pagod na katawan. Tinanggal ang mga sapatos sa pamamagitan ng mga paa. Talagang tinalo na siya ng antok at mabilis na nakatulog.
BINABASA MO ANG
My Personal Assistant (Precious Alex)
Fiksi UmumNicolo Martin Portman sa tunay na buhay at Martin Grey sa showbiz. Isang sikat na sikat na singer-actor-model. Tinatamasa niya ang bunga ng kanyang tagumpay at kasikatan. Tinitilian ng mga bading at kababaehan at kinaiinggitan ng kalalakihan. At k...