2 - Bill Board

5.6K 115 3
                                    

Maagang dumating si Martin sa photo shoot, kahit gaano man siya kapagod ay ayaw niyang sumisira sa schedule. Maaga din si Natalie. Sa pagiging love team nila ay gamay na nila ang isa't isa, in-assume ng mga fans na sila na, kapag nagtatanong ang press people, madalas nilang sagot ay especial ang turing nila sa isa't isa.

Lingid sa lahat si Natalie ay mayroong non-showbiz boyfriend at  may Sandra naman si Nico. Mabilis natapos ang photo shoot , sanay sila, walang kyeme kahit pa sexy poses pa ang gawin nila.

Binabaybay ng van ni Martin ang Ayala Ave, pagod pa rin ang mga mata nya, pumikit siya para umidlip.

"Nico, look!" untag ni Saj. Lahat ng kamag -anak nya ay Nico ang tawag sa kanya. Showbiz people lang ang tumatawag sa kanya ng Martin. Itinuro ni Saj ang billboard sa crossing stoplights ng EDSA.

Napatingin si Nico sa billboard. Nakakabit na ang billboard ng sikat na denim jeans na siya ang official endorser. Tanging jeans lang ang suot nya, no top, no foot wear at nakaharap siya.

Nabaling ang kanyang pansin sa katabing billboard, babaeng model, ladies brand ng ini -endorse nyang jeans. Tanging jeans lang din ang suot nito pero nakatalikod na bahagyang side view ang mukha at ang mahaba nitong buhok ang tanging cover ng likod.

Tinitigan niya ang model sa billboard. 'Ang liit ng bewang at ang ganda ng bottom.' Komento niya sa isip.

"Kuya, kunan mo ng picture. Dali! " Bigla niyang utos sa pinsan. Nasa side ni Saj ang billboard.

"Yung sa'yo? " Tanong ni Saj habang nire -ready ang video cam.

"No, yung girl, bilis baka mag go na tayo." Atat niyang sabi. Nagtatakang tumingin sa kanya si Saj.

"Make two shots please." Utos uli nya. Ibinaba naman ni Saj ang bintana para ma-focus ang model.

"Insan, nagbago na yata ang subject mo sa photography." Panunukso ni Saj .

Ngumiti lang si Nico at kinuha ang video cam para e-review ang photos. Napaisip siya. 'Who is she? Why I didn't see her during the photo shoot?'

"Dumaan muna tayo kay kuya Odie " May naalala siyang bigla.

"Akala ko ba gusto mong magpahinga? " Nagtatakang tanong ni Saj. Alam kasi nito na kulang siya sa tulog.

"Mabilis lang tayo, it won't take an hour." Aalamin niya ang update ng pinalalakad nya sa pinsan.

"Sige, pero di na ako sasama sa Batangas, parang lalagnatin ako." Sabi ni Saj na sinasalat ng kamay ang leeg.

"Ok, off ka na after this." Sagot ni Nico. Lingguhan lang kung umuwi sa pamilya si Saj at kung minsan ay hindi pa kapag lagari siya sa mga commitments.

Lingid kay Nico, meron pang mga matang kanina pa pinagmamasdan ang billboard nya. 'Ang guwapo mo talaga.' Nakatitig ito sa mukha. 'Boyish look ka pa din.' At sa katawan, 'where on earth you got those abs Nico? I hope you still remember me'. Buong paghanga nitong pinagmasdan ang billboard ni Martin Grey.

My Personal Assistant (Precious Alex)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon