"alam mo lagi na lang ganito dito araw araw pag nagpupunta ako akala mo palaging valentine's day sa dami ng nagdedate kaya minsan tuloy parang ang awkward ng feeling ko pag nandito ako..yun bang ay anu ba yan lahat dito magkasintahan tapos ako nag iisa lang hehe" pagkukwento ni chris kay queenie habang naglalakad at nakikita ang mga pares ng tao na magkakasama..
"hindi naman ibig sabihin na magkasama ang babae at lalaki na namamasyal eh magkasintahan na..for sure yung iba jan magbarkada mag bestfriend magkapatid o di kaya naman magnanay kaya wag na wag mong iisipin yan pag nagpupunta ka sa mga ganitong lugar na puro may kapartner ang mga tao" sabi naman ni queenie kay chris..
"you know what queenie that's one of the reasons why i like you nabibigyang linaw mo ang lahat ng iniisip ko sa lahat ng bagay" si chris at sasagot sana si queenie ng may biglang nagsalita...
"hi baby! andito ka pala! hindi mo man lang ako inaya? gusto mo pala mamasyal" wika ng isang lalaki na walang iba kundi si june mar kasama ang dalawang kaibigan nito..
"teka kilala kita ah! ikaw yung babae dun sa waiting shed kanina ah! anung ginagawa mo dito?" takang tanung nung lalaking nakasagutan ni queenie sa waiting shed..
"di ba halata? namamasyal kami! park to di ba?" sarkastikong wika ni queenie..
"teka bro hindi mo naman ako ininform magkakilala pala kayo nitong maganda kong girlfriend? haha" wika ni june mar na sya namang ipinagtaka ni queenie at ikinagulat naman ni chris...
"girlfriend? teka queenie akala ko ba single ka?" takang tanung ni chris nang biglang sumabat si june mar
"pag wala ako syempre single yang girlfriend ko pero ngayon andito ako kaya taken na yan" wika ni june mar sabay akbay kay queenie at bumulong
"sumakay ka na lang sa trip ko kung ayaw mong mabatukan kitang bata ka" pabulong na wika ni june mar kay queenie...
"ate? andito ka din?" wika ng isang babae na walang iba kundi si jeanelle kasama si jeron sabay tingin sa mga kasama ng ate nya at..
"IKAWWW!!??" sabay na wika ni jeanee at nung isa pang kasama ni june mar na,walang iba kundi yung nakabanggaan din ni jeanelle kanina...
"pambihira sa lawak ba naman ng mundong ito ikaw na naman nakita ko? pag dinalaw ka nga naman talaga ni malas oh! sunod sunod! tsk" sarkastikong wika ni jeanelle..
"ikaw pa talaga ang minalas ha? eh ako nga tong binasag mo ang cellphone eh tapos di mo man lang binayaran kahit limang piso? tsk" inis na,wika ng kaibigan ni june mar