samantala habang si queenie at alex ay magkasama narito naman si chris sa isang bar at naglalasing may kasamang babae..at aksidente nakita sya ni lorraine ang kanyang pinsan na kaibigan din ni queenie..
"chris? bakit nandito ka?" tanung ng bakla..
"wala naman gusto ko lang mag enjoy masama ba? bawal na ba?" sarkastikong tugon ni chris sa pinsan..
"hindi naman sa ganun..kaya lang bakit dito? ang dami namang lugar jan ah? bakit dito pa? at sino tong kasama mo?" tanung ulit ng bakla..
"kaibigan ko bakit ba ang dami mong tanung?" inis na wika ni chris sa bakla..
"naku pasensya na po ha? kung marami akong tanung nag aalala lang naman po kasi ako..may girlfriend ka at kaibigan ko pa tapos ito? makikita kita may kasama kang ibang babae? alam mo chris maling mali tong ginagawa mo! kaya buti pa itigil mo na to! bago pa to makarating kay queenie at mag away kayo!" galit na sabi ng bakla sa pinsan na si chris napatawa naman ng bahagya ang binata..
"girlfriend you say? eh sya nga itong dahilan kung bakit ako ganito eh? nagpapakasaya sya kasama ang alex na yun at wala man lang syang nagawa para sa akin nung ipinagtabuyan ako ng magulang nya? and now you're lecturing me? na mali yung ginagawa ko? eh sya? tama ba yung ginagawa nya na sumasama sa ibang lalaki kahit may boyfriend sya?" galit din na sagot ni chris..