"alam mo lagi na lang ganito dito araw araw pag nagpupunta ako akala mo palaging valentine's day sa dami ng nagdedate kaya minsan tuloy parang ang awkward ng feeling ko pag nandito ako..yun bang ay anu ba yan lahat dito magkasintahan tapos ako nag iisa lang hehe" pagkukwento ni chris kay queenie habang naglalakad at nakikita ang mga pares ng tao na magkakasama..
"hindi naman ibig sabihin na magkasama ang babae at lalaki na namamasyal eh magkasintahan na..for sure yung iba jan magbarkada mag bestfriend magkapatid o di kaya naman magnanay kaya wag na wag mong iisipin yan pag nagpupunta ka sa mga ganitong lugar na puro may kapartner ang mga tao" sabi naman ni queenie kay chris..
"you know what queenie that's one of the reasons why i like you nabibigyang linaw mo ang lahat ng iniisip ko sa lahat ng bagay" si chris at sasagot sana si queenie ng may biglang nagsalita...
"hi baby! andito ka pala! hindi mo man lang ako inaya? gusto mo pala mamasyal" wika ng isang lalaki na walang iba kundi si june mar kasama ang dalawang kaibigan nito..
"teka kilala kita ah! ikaw yung babae dun sa waiting shed kanina ah! anung ginagawa mo dito?" takang tanung nung lalaking nakasagutan ni queenie sa waiting shed..
"di ba halata? namamasyal kami! park to di ba?" sarkastikong wika ni queenie..