"uy beshie! anung meron bakit andami mong bantay?" takang wika ng baklang kaibigan ni queenie na si lorraine..
"nalaman na kasi ni mommy at daddy ang tungkol sa amin ng pinsan mo eh hindi ko alam kung sino ang nagsabi eh" malungkot na sabi ni queenie..
"ganun ba? naku pano yan? di ba may lakad kayo bukas? sino naman kayang makati ang dila ang nagsalita! naku wag lang talagang papakita sa akin yon! gugupitin ko talaga lahat ng buhok nya!" inis na wika ng bakla..
"bes, hindi kaya yung kapatid mo ang nagsabi? o di kaya yung pinsan mo?" si maricar
"hindi sigurado ako kasi hindi magagawa ng kapatid ko yun lalo pa at alam nya na nanliligaw pa lang si chris..si kuya june mar wala naman alam yun tungkol sa amin eh kaya imposibleng sila ang nagsabi kina mommy at daddy" sagot ni queenie sa kaibigan..
"yun na nga eh alam ng kapatid mo na nanliligaw sayo si chris so may posibilidad na sya ang nagsabi lalo pa at sinabi ng mommy nyo na titigil kayong dalawa sa pag aaral kung susuway ka sa kanila so baka ganun nga sa takot ng kapatid mo na madamay sya sinabi nya kung ano ang alam nya" si maricar..
"hindi sigurado ako hindi magagawa yun ng kapatid ko sa akin kasi takot yun na mabatukan ko at mabugahan ng apoy ng alitaptap..alam nyo feeling ko merong nagtatrydor sa akin eh" si queenie at bigla namang napaubo si maricar sa narinig