Someone POV
"The Princess is in love." isang lalaki ang nakayuko habang nagrereport sa tila boss niya.
The boss is in his late 50's. He wore an armani black suit. He was sipping his cocktail drink.
"Good." maikling tugon ng lalaki. His accent is in crisp British. "Place the hitman in her school!"
"Already done boss!"
Mula sa bulsa ng armani ng boss may dinukot itong makapal na puting sobre. Ibinigay sa tauhan.
"Thank you boss!" Iyon lang at umalis na ang lalaki.
Naiwan ang boss habang umiinom ng alak. Maya maya ay kinuha nya ang sigarilyo at sinindihan. Hinablot nya rin ang cellphone na nakapatong sa lamesa.
Mabilis na nagdial. Habang nagriring ang kabilang linya, panay ang hithit nya ng sigarilyo. "My Queen, one of this day, the Princess will die." nakangising imporma nya.
Ngunit lingid sa kaalaman nya, may isang pares ng mata ang nagmamatyag ng kilos nya.
Kith Sentosa POV
Mahigit dalawang oras na ngunit hindi pa rin bumabalik si Karim Cervantes. Hindi rin ako umaalis ng apartment hanggat wala ang go signal niya.
Isang bagay ang lubos kong natutuhan habang kasama ko ang matanda. Ang sumuway sa utos nya ay walang magandang idudulot.
Hindi siya isang simpleng matanda lamang. Mayroon sa pagkatao niya ang nakakatakot. May mga misteryong nakapaloob sa kanyang matapang na mata. At kung ano man iyon, ay hindi ko na gustong malaman pa.
Hanggang sa matanawan ko ang matanda. Nakasuot sya ng itim na tuxedo. Sa mga tauhan ng palasyo, normal na sa amin ang magsuot ng ganoong uri ng kasuotan. Subalit kapag si Karim Cervantes ang nakasuot ng black armani suit, parang mangingilag ka sa kanya. Kahit matanda na sya, makikita pa rin ang lakas at porma ng kanyang katawan sa pormal niyang kasuotan.
Nang nakalapit siya sa pwesto ko, nalanghap ko sa kanya ang alak at amoy ng sigarilyo. Mukhang galing siya sa isang bar.
May inabot siya sa aking maliit na bag. "Go to Japan." utos niya.
Napabuka ang bibig ko sa gulat. Maraming katanungan akong nais itanong sa kanya. Paano na ang prinsesa kapag wala ako? Ano ang sasabihin ko sa mahal na reyna tungkol kay Princess Petunia? Alam ba ng reyna na pupunta ako ng Japan?
Mukhang tila nahulaan ni Karim ang mga katanungan ko. "I will take care of everything. You must go to Japan. I have a place for you to stay there." seryosong wika nya.
Wala na akong nagawa kundi sundin ang nais nya. Mas mataas ang kanyang tungkulin kaysa sa akin kaya dapat lamang na sundin ang nais niya.
Underground Society
Usap usapan na ang pagdating ng mga malalakas na miyembro ng Territorio gang mula sa mga bansang China, Japan at Germany.
Subalit isa man sa mga manlalaro ng underground society ay wala pang nakakakita sa mga banyagang miyembro.
Marahil nagtipon tipon ang miyembro ng Territorio Gang sapagkat may balitang parating ang pinaka pinuno ng Territorio Gang. At nais umano nito na masaksihan ang gagawing pagtatanghal ng mga manlalaro.
Apat na grupo na lang ang maglalaban laban para sa isang pwesto ng Territorio Gang.
Tila nais ng underground society na gawing mabilisan ang palaro sapagkat magkakaroon muli ng pagtitipon tipon ang mga miyembro ng Territorio.
Mula sa entablado ng underground ay sumulpot ang dating matandang speaker ng palaro.
Ang kanyang aura ngayon ay higit na nakakatakot kumpara sa mga nauna.
"Nais ng pinuno na gawing mabilisan ang palaro. Subalit kagaya ng mga pangyayari noong nakaraan, may mga grupong tumiwalag sa Territorio." bungad nito.
"Bibigyan ng premyo ang sinuman na makapagbibigay ng ulo ng mga miyembrong tumiwalag." pagkatapos niyon ay naka flash na malaking screen ang mga mukha ng mga miyembro.
Isa sa mga naka flash sa screen ang isang governor mula sa bansang america. Dating kabilang sa hollywood ang naturang governor. Sumunod na larawan ay mukha ng isang matanda. Dating pangulo ng bansang Russia ang naturang lalaki.
"At kung sinoman ang makapagbibigay alam ng mga pangyayari ukol sa mga pagpatay ng miyembro ng mga mafia sa kagubatan malapit sa West International School ay mabibigyan ng malaking pabuya!" dagdag ng matanda.
Nagbulungan pa sila. May nagsasabi na ang grupo nina Haye at Kiko ang pumapaslang subalit may mga nagsabing hindi sapagkat natagpuan ang dalawa na puno ng sugat sa kagubatan.
Gayundin ang grupo nina Gray.
"Isa pang mahalagang balita, ang makapagbibigay ng mga ulo ng bawat miyembro nina Gray na sina Stephen, Hawk, Lindy at Rose ay mabibigyan ng tsansang muling makasali sa palaro!"
Marami ang nagpalakpakan. Tila nais ng makalabas ng lugar upang simulan ang paghahanap sa grupo nina Gray. Hindi sila gaanong malakas kaya naman halos lahat ng tao ay gustong gusto nang hanapin sina Gray.
"And the hunting now begins!"
Iyon lang at mabilis na nagsilabasan ang lahat ng tao sa loob ng underground society!
BINABASA MO ANG
Bad Princess
Action[Completed] A weird mysterious girl showed up at West International School. Isang babaeng walang kinatatakutan, walang sinusunod, walang kaibigan. Everybody is curious about her. What if one day, malaman nilang isa syang Prinsesa? "I am Princess P...