A/N: July 14, 2014
Hi guys! Sa wakas, eto na ulit ang After Hours! Sa mga first time pa lang na makakabasa nito, nangyari ang AH na 'to sa TDG Book 2 Chapter 60, the honeymoon chapter. Sa mga nagtataka kung anong meron sa wrapping paper, eto yun :)
(KEVIN'S POV)
S-seryoso ba 'to?
Wait..
(O.O) (O.O)
"Jersey?"
Oo, si Jersey nga 'to. Kaso bakit.. bakit nagtatago siya sakin? Ang ineexpect ko pa naman eh may ka-sexy time na ako. Yung tipong.. may background music tapos.. candles.. and other erotic things.. pang-honeymoon feel ba. Alam niyo naman yang si Jersey, unpredictable yan. Kaso...
"K-kevin?"
Is she crying? Wala kasi akong Makita, ang dilim sa kwarto. When I opened the lights...
(O.O) (O.O) (O.O)
"HOLY SHIT JERSEY, WHAT ARE Y-"
Shit. Shit. Okay, alam kong unpredictable siya pero never kong naimagine na aabot siya sa ganito.
"J-jersey.. is that.."
Lalo pa niya sinubsob ang ulo niya sa couch. "Kevin naman eh.. not funny."
Shit. Hindi pa rin ako makapaniwala.
"Jersey.. are you wearing.."
She looked up to me, tears streamed off her face. Mukhang malungkot ang asawa ko. "Yes, I'm wearing what you think I'm wearing. I'm wearing NOTHING under this sheet and uurgghhh..
OKAY SHE JUST SAID SHE'S NAKED. Keep your act up, Santos. Don't say anything stupid or else.. you won't get any tonight.
"Don't say things to make me feel better," she added, whimpering. "I.. I was planning to give myself to you tonight in the most mind-blowing way I could ever imagine tapos ganito.. Good grief why do I suck at measurements!"
"T-teka nga..." why am I stammering? Ngayon ka lang ba nakakita ng babaeng walang suot? Ibang usapan na kasi pag asawa mo na ang.. alam na. "A-ano ba yang tinatago mo, Je? Hindi kita magets diyan. I already got your crayons here. Wag ka ngang magtaklob ng kumot diyan!"
"A-YO-KO! Okay? I'm sorry. I just.. I just wanted this night to be perfect, for us. Unforgettable. First time should be magical, right?"
Di ko na napigilang matawa sa kadramahan niya. Way to spoil the mood, Missus. "Magical? Puff the Magic Dragon?"
HInagisan niya ako ng unan. "Not funny, Kevin. Come on, just go out and let me get dressed. I'll try again next time."
Panic rushed to me. Anong next time? Wala nang next time! Err..ibig kong sabihin.. ang ganda na ng moment eh! Tinabihan ko siya sa couch, at todo usog naman siya. May narinig akong kumaluskos sa kanya. "Jersey.. what exactly are you wearing?"
Namula siya lalo. "Uhhh.. You don't really wanna know.Bukas na lang, please?"
"Jersey.. come on. Last night na natin dito sa St. Tropez, sayang sa lugar. Di ba, magical nga?"
"Whatever. I screwed my surprise. Now go away. Uulitin ko na lang 'to bukas."
"DI lahat ng plano plantsado, love."
"Baka hindi mo magustuhan eh.. ayoko.Tsaka kulang."
"Anong kulang?" I prodded.
Tinignan niya akong diretso sa mata. "Uhh.. my present."