Rule #8: Wag mong ipilit ang sarili mo sa taong hindi ka naman gusto.

89 0 0
                                    

"Wag mong ipilit ang sarili sa taong hindi ka naman gusto. Dahil habang pinagsisiksikan mo ang sarili mo sa kanya, itinutulak mo naman palayo ang taong tanggap at mahal ka."

_______________________________________________________________________________

Mahal kita, pero ang mahal mo'y iba.

Lagi akong nag-aabang para makita ka,

Kahit alam kong iba ang hinihintay mong makita.

Minsan nakakainis na talaga,

Pero ano nga bang magagawa ko kung mahal mo sya.

Teka, ano ba kasing meron sya?

Na sa aki'y hindi mo makita-kita.

Mahal naman kita, pero bakit sya parin talaga?

Nalulungot ako tuwing kasama mo sya,

Pero masaya narin akong makitang makangiti ang 'yong mga mata.

Oo! masaya na akong makita kang masaya.

Pero minsan gusto kong tapikin ka,

Gusto kong batukan ka.

Gusto kong sabihin sayong gumising ka nga!

Gumising ka kasi niloloko ka lang nya!

Ngunit sa tuwing sinusubukan ko gisingin ka,

Nagagalit ka kasi nabulag ka na ng pagmamahal mo sa kanya.

Kaya sige, hahayaan na lang kita.

Hahayaan nalang kitang magising sa katotohang ginagamit ka lang nya.

Pero sana, sana sa oras na mapagtanto mong nilalandi ka lang nya,

kapag dumating ang araw na mapagod kana,

Sana nandito pa ako para saluhin ka.

Kasi kapag ako'y tuluyan naring napagod at sumuko na,

Kahit umiyak ka pa? Sorry pero tapos na akong mahalin ka pa. 



RulesWhere stories live. Discover now