Rule #7: Wag kang maniwala sa salita lang

14 0 0
                                    

"Wag kang maniwala sa salita lang, Hindi lahat nagsasabi ng totoo!"


Well, madali lang namang magbitaw ng salita pero hindi lahat totoo sa binibitawang salita. Minsan nakakapagod rin makinig lalo na't halata mo namang hindi nagsasabi ng totoo ang  taong kausap mo. At minsan nakakainis lang kasi kahit alam mong nagsisinungaling sya, patuloy ka paring nakikinig sa kanya. Alam mo kung bakit? kasi nga mahal mo. Kaya kahit alam mong hindi totoo ang sinasabi nya naniniwala ka parin. Noong sinabi nyang mahal ka nya, diba hindi mo dama kasi alam mong iba ang totoong mahal nya? pero heto ka paulit-ulit, naniniwala ka sa kanya kasi nga mahal mo sya. Kaya kahit alam mong hindi ka nya mahal naniwala ka parin sa sinabi nyang "MAHAL KA NYA". Wag kang maniwala sa salita lang dahil sa huli, ikaw lang ang matatalo. Ikaw lang ang masasaktan.

RulesWhere stories live. Discover now